Saturday , November 23 2024

Bagong park hall binuksan sa Navotas

PINANGUNAHAN ng magka­patid na Rep. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang blessing ceremony at pag­papasinaya sa bagong palaruan at multi-purpose hall sa NavotaAs Homes-Tanza sa Brgy. Tanza 2.

“Ang paglalaro ay maha­laga sa paglaki ng isang bata. Sa pamamagitan ng paglalaro, natututo ang bata kung paano makihalubilo, makipagkaibigan at makitungo nang mabuti sa kapwa. Kaya importante na mabigyan natin sila ng ligtas na lugar para makapaglaro at mag-enjoy,” ani Mayor Tiangco.

Ikinalungkot ng alkalde na may mga batang nagsusugal dahil wala silang ibang mapag­libangan at nakikita nila itong ginagawa ng mga nakata­tanda. “Sa mga magulang, maging mabuting halimbawa kayo sa inyong mga anak. Nagsisikap ang ating pama­halaang lungsod na maibigay sa inyo ang isang komunidad na kompleto sa mga pasilidad para magkaroon kayo ng buhay na may dignidad,” dagdag niya habang pinapaa­lalahanan ang mga residente na ang pagsu­sugal at paggamit ng ilegal na droga ay mahigpit na ipinag­babawal at sanhi ng pagpapaalis sa pabahay.

Samantala, pinayohan ni Rep. Tiangco ang mga residente na panatilihing malinis at maayos ang NavotaAs Homes. “Dating palaisdaan ang lugar na ito. Nagsikap tayong ayusin ito para magkaroon kayo ng disenteng tahanan. Umaasa kami na pangangalagaan ninyo ang inyong komunidad pati na ang lahat ng mga pasilidad na nandito,” sabi niya.

Hinikayat din ng mambaba­tas ang mga magulang na siguruhing makapag-aral ang kanilang mga anak. “Panatilihin natin ang mga bata sa paaralan. Hindi sila dapat nasa lansangan o nagtatrabaho. Bigyan natin sila ng pagkaka­taong mapaun­lad ang kanilang sarili at makagawa ng ma­gandang kinabukasan sa pa­ma­magitan ng edukasyon,” dagdag niya.

Ginawa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang NavotaAs Homes-Tanza play­ground sa tulong ni Isabel Nicole Limpo at ng kanyang pamilya na naghandog ng playground equipment.

Sa kabilang banda, ang multi-purpose hall ay proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasama sa sumaksi sa pasinaya sina Vice Mayor Clint Geronimo, councilor Neil Cruz, mga opisyal ng barangay, Engr. Ernesto Galang ng DPWH Malabon-Navotas District Engineering Office, at depart­ment heads ng pamahalaang lungsod. (JUN DAVID)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *