Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
suicide jump hulog

Kelot tumira ng LSD ‘lumipad’ mula 34/f lumagabog tigok (Gusto ng masarap na ‘sex’)

IMBES pampagana sa sex, nag-feeling Superman ang lalaking call center agent kaya ‘lumipad’ mula ika-34 palapag ng isang gusali sa Mandaluyong City na kanyang ikinamatay nitong Linggo ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Mandaluyong police, sinadya umanong tumalon ng call center agent na si alyas “Jake” mula sa gusali makaraan gumamit ng drogang lysergic acid diethylamide (LSD).

Kasama ni Jake ang kaniyang nobyang si alyas “Jessica” nang gamitin ang LSD, na isa umanong uri ng aphrodisiac o pampadagdag ng gana sa pakikipagtalik.

“Sinubukan nilang gumamit ng LSD, parang ‘aphrodisiac’ ito e… ‘pag nasobrahan ka, feeling mo you’re like superman,” ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong police.

Maliit at manipis na papel lang ang hitsura ng LSD, na nagkakahalaga ng P1,000 kada piraso.

Samantala, ikinagulat ng ina ng biktima na gumagamit ng droga ang kaniyang anak.

“Kuwento noong siyota, pino-force daw siyang gumamit, ‘for sex’ daw iyon,” ayon sa ina ni Jake.

Habang sinabi ni “Jessica” na pangalawang beses na nilang gumamit ng LSD.

“Umo-order po siya (Jake)… Sabi ko tigilan na niya,” aniya.

Paliwanag ni Villaceran, sa Facebook umano madalas nangyayari ang transaksiyon sa pagitan ng supplier ng droga at mamimili.

Ipinadadala umano ang bayad sa pamamagitan ng money transfer service bago ipahahatid sa mga transport network vehicle service driver.

Dahil hitsurang papel, iniipit ang LSD sa libro para hindi mahalata ng tagahatid.

Inaalam ng Mandaluyong police kung sino ang katransaksiyon ng magkasintahan.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …