Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pingris, Simon sasandalan ng Hotshots

PAKAY ng Magnolia Hotshots na tuldukan ang two-game skid sa pagharap nila sa GlobalPort Batang Pier sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalo ng Hotshots sa second spot ang Alaska Aces tangan ang 6-3 records, makakalaban nila ang Batang Pier sa alas-7 ng gabi.

Inaasahang mapapa­laban ang liyamadong Magnolia dahil kagagaling lang sa panalo ang Batang Pier na may 4-4 karta.

Huhugot ng lakas ang Hotshots kina vete­rans PJ Simon at Marc Pingris, makakatuwang nila sina Mark Barocca, Justine Melton at Aldrech Ramos.

Kakapitan naman ng GlobalPort sina Stanley Pringle, Juan Nicholas Elorde at Bradwyn Guinto na naging instrumento sa panalo nila kontra Talk ‘N Text Tropang Texters noong Miyerkoles.

Nalugmok ang Hotshots sa kanilang huling laro kontra Rain or Shine Elasto Painters.

Samantala, magsasalpukan ang Blackwater at KIA sa unang sultada, (4:30 p.m.).

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …