INIHAYAG ng Taiwan nitong Huwebes na pagkakalooban ng P2.8 milyon tulong ang pamilya ng isang Filipina na namatay sa nagaganap na lindol nitong Huwebes sa eastern Taiwanese county of Hualien.
Ang anunsiyo ay kasunod nang pagdating ng labi ng biktimang si Melody Castro sa Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.
Magugunitang natagpuan ng mga awtoridad ang labi ng biktima mula sa tumagilid na gusali sa Hualien nitong 8 Pebrero, dalawang araw makaraan ang 6.4 quake na yumanig sa Taiwan.
Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Maynila, ang nasabing halaga ay mula sa government funds bilang konsolasyon at kompensasyon sa pamilya ni Castro, at mula sa insurance at Taiwan donations.
Bukod sa P2.8 milyon, sinabi ng TECO, ang Taiwanese community sa Filipinas ay nakalikom ng P250,000 na ibibigay rin sa Castro family.