Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella Salvador muntik mabosohan! (My Fairy Tail Love Story, showing na ngayon!)

MUNTIK na palang mabosohan si Janella Salvador sa shooting ng My Fairy Tail Love Story.

Ayon sa Kapamilya actress, nangyari ito sa isang underwater scene sa pelikula nila ni Elmo Magalona na showing na ngayon, February 14.

Saad ni Janella, “Iyong isu­nuot ko roon to cover-up my u­pper part, may isang scene na pupunta sa ilalim tapos ay muntik nang matanggal, kasi ang ginamit doon ay adhesive lang talaga. So ang ginawa, after ni­yon ay ginawan na siya ng hook sa likod para hindi na matanggal.”

Paha­yag ng aktres, “Hindi naman natanggal, pero muntik-muntikan na… Yeah, may precautions talaga, I’m really careful about it. Hindi kasi ako sanay din na magpakita ng maraming skin. So, minake sure (make sure) ko talaga iyon.”

Ngunit okay lang daw ito kay Janella dahil noon pa raw pangarap ng aktres ang gumanap na isang sirena.

Mahirap bang maging sirena? Paliwanag ni Janella, “Mahirap iyong training, pero for me kasi, worth it, e. Kasi, talagang nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko. Sobrang ganda ng surroundings under water, if you can just see kung ano iyong nasa ilalim ng tubig, napakaganda talaga. So, in-enjoy ko talaga siya.”

Nabanggit din ni Janella na kapwa sila masaya sa isa’t isa ni Elmo. “We’re very open with each other sa kung anong nararamdaman namin. And halata naman, kung ano ang nakikita ninyo, ‘yun din naman. We make each other happy, halata naman na masaya kami,” esplika ng aktres.

Saad ni Janella, “It’s because he also makes me happy naman, hindi ko naman itatago ‘yun na talagang masaya ako kapag kasama ko siya and tulad ng sabi niya, I keep him positive now.

“Yeah, I keep him positive, he also keeps me positive… Sobrang naba-balance out namin ‘yung each o­ther and naa-appreciate ko talaga. Sa kanya lang talaga ako nagkaroon ng ganitong klaseng bond with a guy, siya ‘yung first. So, hopefully ma-maintain.”

So, ano ang humahadlang para maging sila na ni Elmo? Tugon ni Janella, “I just want to get to know him talaga more. And I think we need more time talaga to… ‘yung para mas makilala pa ‘yung isa’t isa. And para mag-grow pa iyong friendship namin, iyong relationship namin para if ever nga in the future, we decide pa to get together, e ‘di ayun na, it’s the perfect time na.”

Ang kakaibang fairy tale story na mapapanood sa movie ay hatid ng Regal Entertainment at mula sa pamamahala ni direk Perci Intalan. Tampok din dito sina  Kiko Estrada, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kiray Celis, Kakai Bautista, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …