Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 snatcher bulagta sa MPD cops

BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang hinihinalang snatcher na lulan ng motorsiklo makaraang masukol at makasagupa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa gilid ng McArthur Bridge, sa Escolta St., Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado 12:00 am sa Binondo at natapos ang habulan sa gilid ng McArthur Bridge sa Escolta sa naturang lungsod.

KAPWA namatay ang dalawang hinihinalang snatcher makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ni MPD PS11 Supt. Amante Daro, nang makorner ng mga awtoridad makaraan hablutin ang bag ng isang biktima sa Escolta St., Sta. Cruz, Maynila. (BRIAN GEM BILASANO)

Ayon kay MPD Station 11 Supt. Amante Daro, nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan nang mamataan sa aktong hinablot ng mga suspek na riding-in-tandem ang bag ng isang biktima sa Escolta.

Idinagdag ni Daro, nagkaroon ng habulan hanggang makipagbarilan ang mga suspek nang masukol ng mga awtoridad.

Napilitan makipagpalitan ng putok ang mga tauhan ni Daro at pagkaraan ay tumimbuwang ang mga suspek sa kalsada.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek na isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival bunsod ng mga tama ng bala sa katawan. (BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

SM AweSM Cebu 2026

AweSM Cebu 2026 Brings Sinulog Spectacle to the Max Across SM Malls

Sinulog season kicks into high gear as AweSM Cebu 2026 takes over SM City Cebu, …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …