Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Starstruck, ibabalik ng GMA (magtagumpay na kaya?)

SCOOP!!!

Pretty soon ay ibabalik na

ng GMA ang kanilang artista search, ang Starstruck.

Early 2000 noong inilunsad ng estasyon ang timpalak na nagbigay-daan sa matagumpay na showbiz career nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, ang mga nanalo sa Season One nito.

Halos taon-taon din nagkaroon ng panibagong season ang Starstruck until naglunsad naman ang GMA ng Protégé na isinilang sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales. Sad to say, Protégé failed to duplicate kung ano ang na-achieve ng Starstruck through the years.

After Protégé ay ibinalik muli ang Starstruck (makaraan ng mahigit isang taong paghahanda). Again, sad to say, mula sa last batch ay parang wala kaming nababalitaang may career na sumipa among the top winners.

Oo nga’t hindi naman sila pinababayaan ng GMA in terms of assignments, pero hindi maiaalis na gawing basis ang narating ni Jennylyn who’s one of the country’s finest young actresses.

Sana lang, with the relaunch ng nagbabalik na Starstruck ay hindi na maulit pa ang makasaysayang paglipat ng mga alumni roon sa kalabang network.

Napakarami na nila kung bibilangin. Ang siste, ang GMA ang nagpunla, umani, nagbayo, at nagsaing pero ibang estasyon ang nabusog.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …