LAYUNIN ng seminar na mabigyan ng reoryentasyon ang mga guro sa pagtuturo ng panitikan na nakabatay sa likás na katangian ng panitikang Filipino at maka-Filipinong pananaw.
Magkakaroon ng mga panayam at talakayan hinggil sa halaga ng panitikan sa edukasyon, estado ng panitikan sa mga rehiyon, at lápit sa pagtuturo ng panitikan.
Magsasagawa rin ng pakitang-turo sa epiko, kuwentong-bayan, at panitikang rehiyonal.
Bukás ito sa mga punong guro, tagapag-ugnay, mga guro sa Filipino at panitikan sa elementarya, sekundarya, at tersiyarya na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Para sa pagpapatalâ at iba ipang detalye, makipag-ugnay sa sumusunod: Bukidnon State University, Malaybalay, Bukidnon, Dr. Rodello D. Pepito, Direktor, Sentro ng Wika at Kultura [email protected], 0905-6762217; Central Bicol State University of Agriculture, Pili, Camarines Sur, Dr. Lourdes S. Bascuña
Direktor, Sentro ng Wika at Kultura [email protected], 0918-3667966