Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella at Elmo, magpapakilig sa viewers ng My Fairy Tail Love Story

KAKAIBANG fairy tale story ang masasaksihan ng mano­nood ng pelikulang My Fairy Tail Love Story na showing na sa eksaktong Valentine’s Day, February 14!

Tampok dito nina Janella Salvador at Elmo Magalona, mula sa pamamahala ni direk Perci Intalan.

Aminado si Janella na mahirap ang role niya rito bilang sirena. “Mahirap iyong training, pero for me kasi, worth it, e. Kasi, talagang nag-enjoy ako sa ginagawa ko. Sobrang ganda ng surroundings under water. If you can just see kung ano iyong nasa ilalim ng tubig, napakaganda talaga. So, in-enjoy ko talaga siya.”

Ano ang role niya rito. ”I play Chantel, a spoiled brat who didn’t listen to the warnings not to disturb a coral formation under the sea, so I was punished and turned into a mermaid. My best friend, Elmo as Noah, learns that to break the curse, I have to get True Love’s kiss from a Prince Charming. Akala ko, my Prince Charming is Kiko Estrada as a DJ who’s the Prince of Electronic Dance Music, so I try my best to get his attention.”

Nabanggit din niya kung paano pinaghandaan ang role bilang isang sirena. “It’s no joke. I have to take swimming lessons, mermaid lessons and di­ving lessons in a diving pool where I had to dive 14 feet deep. But I feel so lucky because not everyone is given the chance to play this role. E ako, ever since, my favorite fairy tale is the Little Mermaid and dream ko talaga na maging mermaid noon pa. So that dream became a reality in this movie,” aniya pa.

May mga kilig moments ba sa My Fairy Tail Love Story na dapat abangan ng viewers? “Maraming-marami, hahaha! Maraming kilig-moments po talaga sa movie, kasi it’s really about love, e,” nakatawang sagot ni Janella.

May favorite bang kilig moments si Elmo sa kanilang pelikulang ito na matutuwa talaga ang kanilang fans?

Esplika ng actor, “Favorite ko… hindi ko kasi talaga puwedeng banggitin pa e, pero ang pinaka-favoritte ko iyong sa last part ng pelikula. Abangan ninyo, pero iyon ay puwede kong i-mention lang, kasi ay pinalabas na sa trailer.

“Iyong part na na-unconscious si Chantel kasi ay nag-drown siya, tapos ay ni-rescue siya ng mga kaibi-gan niya kasama na si Noah (Elmo) doon. At doon ay kinailangan kong i-CPR si Janella.

“Isa iyon sa mga kilig na parts ng pelikula, pero marami silang aabangang kilig moments dito, kaya masusulit talaga ang panonood nila sa movie namin, lalo na po sa mga fans po namin,” nakangiting saad ng young actor.

Mula sa Regal Entertainment at The IdeaFirst Company, tampok din sa My Fairy Tail Love Story sina  Kiko Estrada, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kiray Celis, Kakai Bautista, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …