BAGUIO CITY– Pasado sa ikatlong pagbasa sa konseho ng Baguio ang pagkakaroon ng mga babaeng embalsamador at mortician sa mga pune-rarya sa lungsod.
Pangunahing layunin nito na maprotektahan ang karapatan ng mga patay partikular ang mga kababaihan.
“May mga nabalitaan tayong news noon na kung female ang namatay, male ‘yung magka-conduct, sometimes the family will complain, they take advantage siguro ng babae at para walang malice, we have to be particular on the gender sensitivity now,” paliwanag ni Councilor Lilia Fariñas, chairman ng Committee on Social Services, Wo-men and Urban Poor.
Para sa residenteng si Erwin Rabonsa, dapat lang umanong naipasa ang panukala.
“Kasi karamihan sa babaeng namamatay kapag lalaki ang nag-embalsamo, pinagsasamantalahan pa,” aniya.
Ngunit para kay Manay Suangki, wala umanong kaibahan kung lalaki ang mag-eembalsamo sa babae.
“Wala namang masama, namatay na,” aniya.
Para sa ilang pune-rarya, wala umanong problema sa pagkakapasa nito at maganda ang intensiyon pero hirap umano silang kumuha ng babaeng embalsamador.
“Actually sa totoo lang talagang mahirap, marami kasing embalmer na hindi licensed bago maging licensed, magte-training ka for few months at kukuha ng exam,” ani Nestor Suarez, branch manager.
Ang mga mahuhuling funeral parlor na lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin mula P1,000 hanggang P5,000. Maaari rin silang matanggalan ng business permit.