Saturday , November 16 2024

‘Love’ sa 1987 Constitution aalisin

TILA walang puwang sa mga mambabatas ang “love” sa organic law.

Ito ay dahil sa panukala ng isang mambabatas sa Kamara na burahin ang salitang “love” sa 1987 Constitution sa gitna ng diskusyon hinggil sa pag-ami-yenda sa salitang batas, idiniing  ang salita ay “has no place in a Constitution.”

Ang panukala ay naglalayong amiyendahan ang preamble, ang opening statement ng 31-anyos Konstitusyon na nagdeklara sa promulgasyon ng mga mamamayan sa organic law.

Nakasaad sa kasalukuyang preamble: “We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society, and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity, the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.”

Ang pagbura sa “love” sa Konstitusyon ay kabilang sa mga panukala ng subcommittee na nakatalaga sa pagtalakay sa preamble, sa artikulo hinggil sa national territory, federal and state principles, general and transitory provisions.

Ang mga kopya ng panukalang amiyenda ay ipinamahagi na sa media habang tinatalakay ng Committee on Constitutional Amendments ang mga dapat isumite sa planong constituent assembly para aprubahan at isumite para sa plebisito.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *