Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SOJ Aguirre, NBI Director Dante Gierran at BoC chief Lapeña pride ng ating bansa

MARAMING magagaling na opisyal ngayon sa ating bansa.

At ilan sa mga hinahangaan sa kasalukuyan at pride ng ating bansa ay sina SOJ Atty. Vit Aguir­re, NBI chief, Atty. Dante Gierran at BoC Chief Gen. Sid Lapeña.

Maganda ang ginagawa nila sa Duterte administration at totoong serbisyo publiko ang kanilang ginagawa.

Kaya marami ang humahanga sa kanila na sila’y pinagkatiwalaan ng ating Pangulo.

Mababait, masisipag pero estrikto lalo sa mga nag-aabuso sa gobyerno kaya beware kayo dahil may kalalagyan kayo sa kanila.

Kagaya na lang sa DoJ na maraming high profile cases na hawak ng NBI at siguradong ang mga taong involved ay may kalalagyan lalo ‘yung mga taong sangkot sa droga at korup­siyon.

Hindi palalagapasin ni Secretary Aguirre at Director Gierran ang mga ‘yan dahil pantay ang hustisya sa kanila.

Sila ang mga pride ng ating bansa ngayon at hindi sila mabibili ng kahit anong bagay dahil sila ang sandigan ng katotohanan.

Napakaganda ng kanilang ginagawa kaya maganda ang takbo ngayon ng ating gobyerno.

Mabuhay kayo DOJ at NBI!

***

Sa Bureau of Customs ay napakaganda rin ang takbo. Lahat sila ay nagtutulungan at napakahigpit ang mandato ng mahal nating Commissioner Lapeña sa kanyang One Strike Policy.

Ang tanging hangad ni Comm. Sid ay mapabuti ang kalagayan ng BoC at malinis nang tuluyan ang pangalan nito.

Mabuti at may isang Lapeña sa BoC na maganda ang hangarin sa bayan at pinagkakatiwalaan ng Pangulo.

Kasama na rito ang kanyang mga kapwa opisyal na si Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno, Intel Group Depcom. Ricardo Quinto, Enforcement Group Depcom. Teddy Raval, RCMG Depcom. Bhoying Ecarma, AOCG Depcom EJ Dy Buco, IAG Depcom. Gladys Rosales at MISTG OIC Noel Prudente.

Good job BoC!

Mabuhay ka Comm. Sid sampu ng iyong mga kasamahan!

Keep up the good work!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …