NANGANGAMBA ang ilang public sector organization sa seguridad at integridad ng kani-kanilang asosasyon dahil sa madalas na paggamit ng ‘sindikato’ sa letterhead ng mga unyon ng kawani sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para gamitin sa target nilang posisyon sa pamahalaan.
Una, ang naganap sa DDB at nitong huli ay sa Marina na kapwa ikinasibak nina ret. Gen. Dionisio Santiago at Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Marcial “Al” Amaro III.
Ayon sa ilang political observer, kailangan busisiin ng Palasyo ang mga natatanggap na liham mula umano sa mga samahan ng kawani dahil posibleng may ‘sindikato’ na gumagamit sa kanila para makapagmaniobra ng mga ipupuwesto sa gobyerno.