SA isang resolusyon, itinanggi ng Alliance of Marina Employees (AME) na ang kanilang grupo ang nagpadala ng liham kay Pangulong Duterte na nagreklamo laban kay Amaro.
Tinawag na “fake news” ng AME ang lumabas na mga pahayag sa media na naghain sila ng reklamo laban kay Amaro sa Palasyo.
“The AME Executive Officers and Board of Directors collectively agreed to come up with this official pronouncement against the fake news that the Alliance of Marina Employees (AME) filed the letter of complaint to once and for all clarify the sensitive matter which will cause damage to the integrity and credibility of the association,” ayon sa resolution ng AME noong Miyerkoles.
Ito ang ikalawang pagkakataon na umalma ang unyon ng mga kawani sa paggamit sa kanilang samahan bilang ‘complainant’ laban sa pinuno ng isang ahensiya.
Matatandaan, ikinaila ng Dangerous Drugs Board Employees’ Union na miyembro nila ang isang Priscilla Herrera na nagpadala ng liham sa Palasyo na nagdetalye sa umano’y mga katiwalian ni ret. Gen. Dionisio Santiago, chairman ng DDB.
Sinibak ni Duterte si Santiago dahil sa komentaryo kaugnay sa mega rehab facility sa Nueva Ecija at umano’y sa malimit na pagbiyahe sa ibang bansa.