Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
explode grenade

8 patay, 5 sugatan sa sumabog na vintage bomb (Sa Zamboanga del Norte)

WALO katao ang namatay habang lima ang su-gatan nang sumabog ang isang vintage bomb sa bayan ng Sirawai sa Zamboanga del Norte, nitong Miyerkoles ng hapon.

Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente si Marcelo Antogon, magkapatid na binatilyong sina Roel at Ladi Balamban, si Robert Timbulaan at kanyang dalawang batang kapatid na 6 at 9 anyos.

Hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng dalawa pang biktimang nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sinabi ni Sirawai Ma-yor Gamar Janihim, si Antogon, isang rubber tapper sa Sirawai Plywood and Lumber Corp, ay natagpuan ang 81-mm mortar sa ilog sa Sitio Washington, Brgy. Guban.

Ayon kay Janihim, dinala ni Antogon ang bomba sa kanilang bunkhouse na tinutuluyan ng mga kapwa niya empleyado.

Sa loob ng bunkhouse, tinangkang buksan ni Antogon ang bomba gamit ang pako at martilyo.

Makaraan ang ilang segundo, sumabog ang bomba na ikinamatay ng mga biktima.

Limang iba pa ang sugatan sa nasabing pagsabog.

Ayon sa mga awtoridad, hindi ipinabatid ni Antogon sa kanyang mga kasama ang hinggil sa natagpuang bomba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …