PINAALALAHANAN ni Ma-yor John Rey Tiangco ang mga Navoteño na gamitin ang mga itinalagang lugar para sa fireworks display upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
“Nais kong ipaalala sa lahat na sundin ang mga batas at alituntunin sa paggamit ng mga paputok at pailaw. Magtulungan tayo sa pangangalaga sa mga miyembro ng ating komunidad at si-guruhin natin na ang bawat pamilyang Navoteño ay sasalubong sa Bagong Taon nang buo at masaya,” aniya.
Nagtalaga ang Navotas ng firecrackers and fireworks zone sa bisa ng Executive Order 012, Series of 2015.
Ang fireworks at iba pang pyrotechnic exhibitions ay maaaring idaos sa Navotas City Amphitheater, C4 Road, Brgy. Bagumbayan North, alinsunod sa RA No. 9514 o ang ‘Revised Fire Code of the Philippines of 2008.’ Ang 14 barangay sa lungsod ay nagtalaga rin ng kanilang firecrackers zone.
Sa Brgy. San Rafael Village ay itinalaga ang Gen. Vicente Lim St.; sa Brgy. North Bay Blvd. North ay sa Green Zone sa R-10 Road at J. Lacson St.; habang sa Brgy. North Bay Blvd. South ay napili ang R-10 Pro-per, at Kanduli St. bilang firecracker zones.
Itinalaga ng Brgy. Bangkulasi ang Reyes St.; sa Brgy. Bagumbayan South ay sa Taganahan Tabing Ilog; at sa Brgy. Bagumbayan North ay itinalaga ang Centennial Park.
Ang dulo ng Estrella Bridge ang itinalagang lokasyon sa Brgy. Navotas East; ang Davila St. sa Brgy. Navotas West; at ang Gov. A. Pascual at A. Santiago streests sa Brgy. Sipac-Almacen.
Pinili ng mga barangay sa District 2 bilang firecrackers zone ang Navigational Gate sa Brgy. Tanza; Bagong Kalsada at A. Cruz streets sa Brgy. Tangos; Judge A. Roldan St. sa Brgy. San Roque; Ignacio St., Bacog sa Brgy. Daanghari; at Gov. A. Pascual St. sa Brgy. San Jose. (JUN DAVID/ROMMEL SALES)