Saturday , November 16 2024
road traffic accident

Mag-aateng sexagenarian umilalim sa truck, 1 tigbak

SAN FERNANDO, La Union – Binawian ng buhay ang panganay sa tatlong magkakapatid na sexagenarian makaraan pumailalim sa 10-wheeler truck sa bayang ito, nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat, mula sa pamimili  sa palengke ang mga biktimang edad 61, 60, at 64, ay pata-wid sa pedestrian lane nang masagasaan ng truck.

“Nakita namin na nakaipit sa gulong ‘yung isang matanda, itinuloy pa no’ng driver na paandarin ‘yung truck, kung hindi namin sinabihan baka itutuloy pa niya,” kuwento ng nakakita na si Cristina Vergara.

Nakauwi na mula sa ospital ang magkapatid na sina Enderia Laudencia at Lydia Masacuy, ngunit binawian ng buhay ang kanilang ate na si Visitacion Pejo.

Humingi ng pasensiya ang driver ng truck na si Joseph Mendrano sa mga biktima.

Aniya, “Huwag sana silang magalit kasi disgrasya naman ‘yun, hindi ko naman napansin ‘yung ano at saka biglaan kasi na papasok sila kaya ‘di ko napansin.”

Habang sinabi ng mister ni Pejo na si Juanito, naiwasan sana ang insidente kung nagda-han-dahan ang driver sa pedestrian lane.

Hiniling niyang mag-karoon ng tanod ma-lapit sa tawiran para hindi na maulit ang kagayang insidente.

Nasa kustodiya ng San Fernando Police Station ang suspek na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *