Saturday , November 16 2024

De Lima pinayagan tumanggap ng bisita (Sa Pasko at Bagong Taon)

MAAARING tumanggap ng bisita si Senadora Leila de Lima sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon makaraan payagan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Ayon sa opisina ng senadora, maaaring tumanggap ng mga bisitang kamag-anak si De Lima sa 24 Disyembre hanggang ala-1 ng madaling araw ng 25 Disyembre at sa mismong araw ng Pasko mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Maaari rin tumanggap ng bisita si De Lima mula bisperas ng Bagong Taon hanggang ala-1 ng 1 Enero at maaari rin silang bumalik ng 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Magugunitang nag­higpit ang Custodial Center sa mga bisita ni De Lima at ilang beses nang hindi pinayagan makapasok ang ilan sa mga dalaw.

Kabilang dito ang mga kaalyado ni De Lima at maging ang international human rights advocates.

Maging ang pagpasok ng mga printed Facebook at Twitter messages ay hindi rin umano pinapayagan.

Si De Lima ay nakulong makaraan akusahan ng pakikipagsabwatan sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison upang uma­no’y tustusan ang kaniyang kandidatura sa Senado.

Sa Bacoor, Cavite
BONG REVILLA
MAGPAPASKO
SA PAMILYA

PINAYAGAN ng Sandiganbayan ang nakapiit na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. na magdiwang ng Pasko kasama ng kanyang pamilya sa Bacoor, Cavite.

Sa minute resolution na may petsang 20 Disyembre, pinahintulutan ng First Division ang mosyon ni Revilla na lumabas ng piitan sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame mula 11:00 am hanggang  9:00 pm sa 24 Disyembre.

Sinabi ng Sandiganbayan, si Revilla ang sasagot sa gagastusin ng PNP sa paghahatid sa kanya sa kanilang bahay at ang gagamiting komunikasyon ay mahigpit na babantayan.

“All expenses to be incurred by the PNP for the personal escorts and security measures in all movements and dispositions of the accused outside Camp Crame until his return to his detention facility, as authorized herein, shall be shouldered and paid by the said accused,” ayon sa resolusyon.

Kasabay nito, inatasan ng anti-graft court si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa na makipag-coordinate sa Sheriff’s Office sa paglalaan ng “adequate personal escorts and security measures in all movements and dispositions of accused Revilla.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *