BINAWIAN ng buhay ang tribal leader ng Ata Manobo na si Datu Benandaw Maugan makaraan pagbabarilin ng sinabing mga miyembro ng New People’s Army sa Purok Luno-luno, Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao Del Norte, nitong Linggo ng hapon.
Ayon sa pamangkin ng biktima na si Jason, galing sa bukid ang kaniyang tiyuhin at nang makauwi sa kanilang bahay ay ipinatawag siya ng umano’y miyembro ng NPA.
“Dili unta siya sugtan sa asawa peru niadto siya kay wala man daw siya sala, (‘Di sana siya papuntahin ng kaniyang asawa pero pumunta pa rin siya dahil sabi niya wala siyang kasalanan),” ani Jason.
Sa imbestigasyon ng Kapalong Police, 60 armadong NPA ang nasa kanilang lugar, at lima sa kanila ang sinabing bumaril sa biktima.
Sinasabing nakilala ng pamilya Maugan ang dalawa sa bumaril kay Datu.
“Sumala sa pamilya kini sa Datu Benandaw Maugan is allegedly naga-support sa mga sundalo mao ng apil daw siya sa listahan nga kuha-onon sa NPA,” ayon kay SPO3 Frederick Hapitan.
(Ayon sa pamilya, ito si Datu Benandaw Maugan is allegedly nagsusuporta sa mga sundalo, kaya kasali umano siya sa listahan na kukunin ng mga NPA.)