ISANG 512 taong gulang na pating ang natagpuan sa karagatan ng North Atlantic.
Sinasabing ang Greenland shark ang pinakamatandang nabubuhay na vertebrate sa mundo. Maaari rin umano itong mas matanda pa kay Shakespeare.
Sa pamamagitan ng pagsukat sa laki ng pating, nahinuha umanong ito ay nabubuhay na noon pang taong 1505.
Ang Greenland shark ay lumalaki ng 1 centimeter sa isang taon. Ginamit ng mga eksperto ang sukat nito na 18ft at radiocarbon dating upang malaman ang edad ng pating na maaaring sa pagitan ng 272 hanggang 512 taong gulang ayon sa isang pag-aaral sa journal science.
Halaw mula sa: https://www.thesun.co.uk/news/5129297/ancient-shark-worlds-oldest-living-vertebrate-greenland/
Halaw ni Lovely Angeles