Saturday , November 23 2024

Kelot nalapnos, nabingi sa itlog

MINSAN ang itlog ay sumasa­bog sa microwave, kaya mainam na iprito ito sa kawali o ilaga sa kaldero.

Maaaring nakaranas na kayo ng pagputok ng itlog kapag inilalaga ito. Karaniwan ito ngunit maaaring iwasan.

Ngunit ang pag-microwave sa mga itlog ay mas matindi pa ang maaaring maging resulta.

Ito ay makaraan maghain ng asunto ang isang lalaki, sinabing nalapnos ang kanyang mukha at nabingi dahil sa hard-boiled egg.

Sa mga restaurant, karaniwan nang inihahanda nang maaga ang mga pagkain at iniinit na lamang para sa mabilis na serbisyo.

Ayon sa reklamo, sumabog ang itlog sa bibig ng lalaki nang kagatin niya ito. Ang asunto ay inareglo ayon sa IFL, ngunit patuloy ang pagsasaliksik hinggil sa nangyaring hindi inaasahan.

Ayon kina Anthony Nash at Lauren von Blohn mula sa Charles M. Salter Associates sa San Francisco, nakapanood na ng maraming video ng pagsabog ng mga itlog sa microwave sa internet, marami sa sinubukan ng kanilang team ay ganoon din ang nangyari.

Tinatayang 30 porsiyento ang sumabog lamang makaraan tusukin ng matulis na bagay.

Ang mga itlog sa eksperimento ay hard-boiled eggs na ibinabad sa tubig, at ininit makaraan ang ilang minuto.

Ayon sa pagsasaliksik, hindi maaaring ang pagkabingi ng lalaking nagdemanda, ay dahil sa pagsabog ng itlog, na naganap sa kanyang bibig.

“On a statistical basis, the likelihood of an egg exploding and damaging someone’s hearing is quite remote,” ayon kay Nash.

“It’s a little bit like playing egg roulette.”

Gayonman, karamihan sa mga tao ay naniniwalang ang muling pag-iinit sa mga itlog sa microwave ang siyang pinakadelikado.

Sinabi ng IFL na ang kakaibang nangyari “may be due to the protein in the egg trapping pockets of water in the yolk, which are then superheated well above the boiling temperature of tap water.

“When these pockets are disturbed, either by poking the egg or biting into it, they all boil in a chain reaction and explode.”

(mirror.co.uk)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *