Monday , October 14 2024

Bakit tahimik ang BFP sa nasunog na alcohol warehouse sa Kyusi!?

HABANG nangangamba ang mga residente at negosyante sa Villa Carolina sa San Bartolome, Quezon City, tahimik na tahimik naman, as in eternal peace, si QC Fire chief, S/Supt. Manuel M. Manuel alyas Kernel Triple M, sa pagkasunog ng alcohol warehouse ng Albri’s Food Philippines Inc., nitong nakaraang 22 Nobyembre.

Wala pa bang inilabas na resulta ng imbestigasyon ang Quezon City Fire District na pinamumunuan ni Kernel Triple M.?!

Hanggang ngayon daw, hindi pa nila ‘maipirmis’ kung ano ang sanhi o saan nagmula ang sunog.

Pero ang kuwestiyon dito nagpoproseso ba ng iba’t ibang uri ng alcohol ang Albri’s Food Philippines Inc., base sa isinasaad ng kanilang company profile sa lugar na kinaganapan ng sunog!?

Wattafak!?

Kung sa nasabing warehouse sa Villa Carolina nagpoproseso ng denatured alcohol ang Albri’s, hindi ba nakita nina Kernel Triple M, na mayroong malaking paglabag ang nasabing establisyemento?!

Itinatakda ng batas na ang ganitong mga pagpoproseo ay dapat na ginagawa sa isang distillery plant na nasa ilalim ng kondukta at sinasaksihan ng Revenue Officer On-Premise (ROOP) na nakatalaga sa   tinukoy na planta.

Kailangang saksihan ito ng ROOP dahil ang lahat ng pagbili ng denatured alcohol mula sa source o supplier na distil­lery plant ay kinakailangang sinusuportahan ng Excise Tax Removal Declaration (ETRD).

Sa pagkakataon na ang volume ng biniling denatured alcohol na natanggap mula sa distillery ay labis o kulang sa volume na nakatala sa mga dokumento, ito ay muling tatasahin upang maitakda ang tamang multa o dapat bayaran.

Kaya ang tanong, ang warehouse ba na ginagamit ng Albri’s Food Philippines Inc., sa Villa Carolina ay ginagamit din ba nilang distillery plant?!

Itinatanong natin ito, dahil ang mga produktong ethyl at denatured alcohol ay HINDI maaa­ring i-stock sa isang bodega.

Mula sa pagpoproseso ng mga produktong denatured at ethyl dapat itong ideretso sa buyer.

Pero alam ba ninyo mga suki na hindi rin ganoon lang ang proseso ng pagbebenta nito?

Dapat ay rehistrado rin ang pangalan at address ng customer. May assessment number, ano ang ginamit na denaturing formula, beginning balance ng volume, petsa kung kailan binili, total volume, pangalan ng distillery at address ng lugar kung saan ang produksiyon at kung saan binili ang denatured alcohol; petsa ng removal at delivery; volume ng na-remove at nai-deliver; at ending balance ng volume.

Lahat ba ito ay sinusunod ng Albri’s Food Philip­pines Inc.!?

Kung ginagawa ito ng Albri’s, bakit hanggang ngayon ay wala pa ring mailabas na resulta ng sunog ang kampo ni Kernel Triple M?!

Magkano ‘este ano ang dahilan?

By the way, balitang masaya na raw ang Christmas ninyo Kernel triple M?

Sa susunod, marami pa pong katanungan ang dapat na sagutin ng Albri’s at ng Quezon City Fire Division.

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *