Friday , November 15 2024

Pambabastos kay Bonifacio

GAMIT na gamit na naman ng mga nagmamaskarang makabayan ang bayaning si Gat Andres Bonifacio sa paggunita ng kanyang ika-154 na kaarawan.

Kahapon (Nov. 30), muling nairaos ng iba’t ibang grupo ang palsi­pikadong pagdakila sa itinuturing na Ama ng Rebolusyon na itinaya ang sariling buhay para sa bayan.

Taon-taon na lang ay iyon at ‘yun din ang mamamalas na tagpo tuwing sasapit ang petsa ng kapanganakan at pagkamatay ni Bonifacio at ng ating mga bayani.

Mula pa sa panahon ni yumaong dating Pang. Ferdinand E. Marcos hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ay nakagisnan na ang paulit-ulit na eksena.

Tulad nang nakagawian, sa prehuwisyong demonstrasyon at rali idinaraan ng mga walang-sawang kumakalaban sa pamahalaan ang paggunita sa okasyon ni Bonifacio at ng ating mga bayani.

Tulakan, gitgitan at unahan ang mga nagpapanggap na makabayan na gustong makipantay sa kadakilaan ni Bonifacio at ng ating mga ba­yani.

Si Bonifacio at ang mga tulad niyang bayani ang “deodorizer” na paboritong gamitin ng mga politikong opisyal sa pamahalaan para pabanguhin ang umaalingasaw nilang pagkatao at naaagnas na imahe.

Kanya-kanyang paligsahan sa pagdipa ang mga buhong na politiko habang bumibigkas ng makatindig-balahibong talumpati.

Ano ang kabuluhan ng pagdakila kung wala namang lider sa bansang ito na gustong manindigan sa ipinaglaban ni Bonifacio at ng ating mga bayani?

Ang masaklap pa, maraming lider sa bansa ang mismong sumasalanta sa sarili nilang mamamayan at pumapatay sa itinaguyod na si­mulain ng mga bayani.

Malamang, hindi na tayo ipaglalaban ni Bonifacio at ng mga bayani kung alam lang nila na darating ang panahon na mas magiging malupit pala ang kapalaran ng mga mamamayan sa kamay ng mga lider na Filipino na mamumuno sa bansa.

At kung makababangon lang si Bonifacio sa libingan, malamang ang mga magnanakaw na politikong patuloy na nagpapahirap sa atin ang kanyang unang iitakin.

Tsk, tsk, tsk!!!

NHCP, INUTIL
SA PAMBABABOY

NG ILLEGAL TERMINAL
SA LIWASANG
BONIFACIO

NONG nakaraang buwan, inaresto ng mga pulis si Bayle Einstein Gonzales, 20, dahil sa hindi pagrespeto sa ating Pambansang Awit sa isang sinehan sa Pampanga.

Nagkataon nasa loob din ng sinehan ang Charge D’Affaires natin sa Iraq na si Elmer Cato na siyang tumawag ng pulis at kumuwestiyon sa suspect na hindi tumindig sa upuan habang tumutugtog ang ating Pambansang Awit.

Ayon sa NHCP, bukod sa malaking halaga ng multa ay may kasama pang kulong ang pambabastos a Pambansang Awit.

Pero kompara sa pambabastos sa Pambansang Awit ay hindi ba hamak na mas masahol ang kaso sa Liwasang Bonifacio na hinayaan ng National Historical Commission (NHCP) na babu­yin ng illegal terminal ng mga pampasaherong bus at van?

Ang ipinagtataka natin ay walang ginagawa ang NHCP sa tahasang pambababoy ng sindikatong nagpapatakbo ng illegal terminal a Liwasang Bonifacio.

Bakit kaya binabalewala ng NHCP ang pambabastos kay Bonifacio sa Lawton na sakop ng Bgy. 659-A na pinamumunuan ni Chairwoman Ligaya V. Santos na nagkataong kababayan ni Hen. Emilio Aguinaldo?

Hahayaan na lang ba ng NHCP na bukod sa ginagawang terminal ang paligid ng Liwasan ay ginagawa pang inodoro at ihian ang namamantot at namamanghing monumento ni Bonifacio sa Lawton?

Hindi ba kasama sa mandato ng NHCP ang pangangalaga sa mga kinatitirikang monumento ng ating mga bayani?

May batas pa nga na nagbabawal pagkakitaan ang mga katulad na lugar dahil itinuturing itong sagrado at hindi maaaring gamitin sa kahit anong uri ng pagkakakitaan na kung tawagin ay “beyond the commerce of man.”

Aywan lang natin kung patay-mali, nagbubulag-bulagan o inutil talaga ang mga opisyal ng NCHP sa nagdudumilat na illegal terminal sa barangay ni Santos na may sakop sa Liwasang Bonifacio sa Plaza Lawton.

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *