“EXCELLENCE in service, now and beyond,” ‘yan ang naging tema ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang 81st Anniversary sa pamumuno ng kagalang-galang at respetadong Director na si Atty. Dante Gierran.
Simula nang pamunuan niya ang NBI ay napakarami nang nabago. Itinapon ang mga pasaway at corrupt na agent sa probinsiya.
Sa termino lang niya nagkaroon ng day-care center upang mapangalagaan ang mga anak ng mga rank and file employee ng NBI.
Sa kanyang mensahe sa anniversary, pinasalamatan niya ang mga opisyal at mga empleyado sa patuloy na pagsuporta sa kanya.
Pinarangalan ang mga agent na nagbuwis ng buhay sa bayan at may dedication sa kanilang trabaho.
Ibinida rin niya ang accomplishments nila lalo ang P6 bilyong ilegal na droga na hinuli nila sa isang sindikatong “Red Dragon” sa San Juan. Ito ang pinakamalaking huli ng droga sa history ng NBI.
Pinapurihan ni House Speaker Alvarez at DOJ Sec. Atty. Vitaliano Aguirre ang pamumuno ni Atty. Gierran at ang buong NBI.
Muling binalaan ni SOJ Aguirre ang ilang tiwaling NBI agent na wala silang puwang sa NBI at kailangan umalis sa tungkulin kung makasisira lang sila sa NBI at DOJ.
***
Napakaganda ng camaraderie ng bawat isa sa NBI partikular ang Assistant Director at lahat ng Deputy Directors at kumanta pa sila kaya lumabas ang mga naggagandahang boses nila.
May Zumba, firing competition, basketball, cheering competition ng bawat division.
Matagumpay rin ang kinalabasan ng painting at photography exhibit sa pamumuno ng masipag na si NBI agent Ligaya Banawa at napahanga niya si Senator Manny Pacquiao.
Nagkaroon ng wreath laying sa NBI wall of honor.
***
Binati ni Pangulong Rody Duterte ang NBI na ang sabi “A job well done sa NBI.”
Pinasalamatan ni Director Gierran si Senator Pacquiao nang sabihin niya na magdo-donate at magpapagawa siya ng gusali ng NBI sa Gensan.
***
Isa din po sa Judges sa painting exhibit ang publisher ng Hataw D’yaryo ng Bayan at Alab ng Mamamahyag (ALAM) Chairman na every year ay tumutulong sa NBI anniversary na si Boss Jerry Yap. Siya ay pinuri at pinasalamatan ng NBI!
***
Mabuhay kayong lahat sa NBI! God bless!