Friday , November 15 2024

ASEAN Summit 2017 matagumpay! Good job Pres. Rody!

HUMANGA at pinuri ng head of states ang ma­ayos na seguridad na inilatag ng ASEAN Security Task Force kaugnay ng idinaos na ASEAN Summit 2017 sa ating bansa.

Sa kabuuan ng nasabing okasyon ay binig­yang-diin na paiigtingin ng Duterte administration ang tax reform at prayoridad ang pagpa­patupad ng infrastructure projects tungo sa kaunlaran ng ating bansa.

Sinabi ni Secretary of Finance Carlos Dominguez III na ang layunin ng ASEAN Summit ay pagkakaroon ng integrated and cohesive economy, ang pagtaas ng ekonomiya at ang financial stability sa bansa natin.

“Ito ay isang karangalan na nagbunga at makabuluhang palitan sa  mga isyu ng panrehi­yon at pandaigdig na kahalagahan na inaasa­hang isalin sa mga kongkretong aksiyon na pa­kikinabangan ng mga mamamayan ng aming rehiyon,” sabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang talumpati.

Ibinigay ni Pangulong Duterte ang gavel na sumasagisag sa ASEAN Chairmanship, sa Punong Ministro ng Singapore na si Lee Hsien Loong sa pagsasara ng seremonya ng 31st ASEAN Summit at mga kaugnay na pulong dito.

Sinabi ni PDU30 na ang Filipinas ay mana­natiling matatag sa pagtataguyod sa mga mithiin at mga pinahahalagahan ng ASEAN at nagtatrabaho para sa pagsasakatuparan ng mga ibinahaging aspirasyon sa ibang mga bansa.

Iginiit rin ng Pangulo na, “Ang Filipinas ay naroroon at makikipagtulungan sa inyo, kasama ang iba pang ASEAN member states, dialogue partners, at mga panlabas na partido sa paglilipat ng komunidad ng ASEAN patungo sa pag-unlad.”

Kaya naman pati si Pangulong Donald Trump ay talagang humanga kay Pres. Duterte at siya ay mananatiling nakasuporta dahil alam niyang mabait na tao ang ating Pangulo.

Mabuhay ang Filpinas! Mabuhay PUDU30!

***

Magaling si Deputy Director for Intelligence ng NBI na si CPA Eric Distor dahil pinulong niya lahat ang kanyang mga tauhan upang palakasin lalo ang intelligence gathering laban sa kriminal, sa ilegal na droga at corruption.

Isa po siya sa trusted man ni Pangulong Digong dahil sa dedication niya sa trabaho, matiisin siya at matiyaga.

Tubong Davao at wala man lang makitang kayabang-yabang sa katawan at puro trabaho lang.

Sa ngayon ay abala siya sa mga corrupt na opisyal ng gobyerno na dapat sampahan ng kaso.

Pagtutuunan rin n’ya ang lifestyle check sa mga government official base sa kautusan ni Pangulong Digong na stop corruption.

Mabuhay ka Sir Eric!

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *