MAGKAKASUNOD na araw na nabasa natin sa mga pahayagan na naglunsad umano ng “Operation Galugad” ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Nakakompiska umano sila ng iba’t ibang klaseng kontrabando kabilang na ang mga cellphone, android etc.
Sa totoo lang, hindi naman nakapagpupuslit ang mga preso ng ganyang gadget sa loob ng kulungan.
‘Yan ba namang higpit ng BJMP jailguards makalulusot ang mga preso?!
Baka hindi alam ng BJMP director na mismong mga tauhan nila ang may iba’t ibang raket at ang pinagbebentahan ay mga preso!?
Sabi nga ng mga mapagkakatiwalaang source, diyan sa BJMP detention cells, ang pinakamahinang klase ng cellphone ay P20,000 ang bentahan. Kahit kanino ninyo itanong, ang mga preso ay pinagkakakitaan ng mga guwardiya nila.
BJMP chief, C/Supt. Deogracias Tapayan, please lang po tigilan na ninyo ang pagpapapogi dahil alam naman ng publiko na hindi totoo ‘yan.
Pero kung seryoso kayong linisin ang BJMP, una ninyong imbestigahan ang inyong mga tauhan!
Ginawa nilang ‘merkado’ ang mga preso.
Sang-ayon ka ba BJMP Bicutan deputy warden C/Insp. Meriado!?
‘Yun lang!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com