KASAMA si Matteo Guidicelli sa horror movie na The Ghost Bride mula sa Star Cinema na pinagbibidahan ni Kim Chiu mula sa direksiyon ni Chito Rono. Hindi ito ang first time na nakatrabaho ni Matteo si Kim.
“I’ve worked with Kim several times already. It’s nice to work with Kim in a different set, in a different character, in a different persona, kumbaga. It’s always a great experience working with her,” sabi ni Matteo.
Kung maraming beses nang nakatrabaho ni Matteo si Kim, first time naman niya na nakatrabaho si Direk Chito.
“He was my dream director. When this film offered to me, I said yes right away, because of direk Chito. He’s one of the directors you want to work with.
“I was worried many times, about how he was. But at the end of the day, he’s such an amazing person, a very friendly, very loving and he’s so passionate with his job.”
Ratsada ngayon sa paggawa ng pelikula si Matteo. After ay may gagawin ulit siyang pelikula, ang Single.. Single with Shaina Magdayao.
Kailan naman kaya siya ulit mapapanood sa isang serye? Huli siyang napanood last year pa sa teseryeng Dolce Amore na pinagbidahan ng loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano.
“We’re working on a soap right now. It’s for next year. It’s still a secret.”
RELASYON SA MAGULANG
NI SARAH, OKEY NAMAN
Kumusta na sila ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo?
“It’s good. It’s good,” ang maigsing sagot ni Matteo.
Eh, kumusta naman ang relasyon niya sa mga magulang ni Sarah?
“Okay naman. Okay naman. Everything is okay. I would be honest with you guys. I don’t wanna say too much but, hopefully, it’s okay, everything is okay.”
Ipalalabas na ang The Ghost Bride sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Nobyembre 1.Tampok din dito sina Beverly Salviejo, Isay Alavarez, Nading Josef, Mon Confiado, Cacai Bautista, Victor Silayan, at Jerome Ponce.
MA at PA
ni Rommel Placente