SUKI talaga sa mga film festival si Allen Dizon, lalo sa mga international filmfest. Dalawang pelikula kasi ni Allen ang nakapasok kamakailan sa Los Angeles Philippine International Film Festival (LAPIFF), ito ang Area at Imbisibol.
Bukod kay Allen, tampok sa Area sina AiAi delas Alas, Sue Prado, Sancho delas Alas, Sarah Pagcaliwagan, at iba pa, mula sa direksiyon ni Louie Ignacio at prodyus ng BG Productions ni Ms. Baby Go. Ang Imbisibol naman ni Direk Lawrence Fajardo ay nanalong Best Picture at anim pang awards sa unang Sinag Maynila Film Festival, kabilang ang Best Director, Best Actress-Ces Quesada at Best Actor-Allen Dizon.
Sampu lang out of the 500+ submissions ng narrative films ang napili para maging finalists sa naturang annual filmfest na gaganapin sa October 26-29 sa SouthBay Pavilion Cinemark located at 20700 Avalon Blvd., Carson CA 90746. Ang iba pang pelikula ay Birdshot, Dagsin, EJK, Laut, Seklusyon, Sakaling Hindi Makarating, Of Sinners and Saints, at The Sun Behind You.
Kabilang sa 10 short films na napili ang: Back to One, Chapter X, Diliman, Instaland, Last Farewell, N.O.V.I.S, Sequins, Sins of Wasteland, Supot, at RELEVE. Samantala ang tatlong documentary na kalahok ay: The Apology, Do You Remember the Philippines, at We Will Never play in Manila Again.
Ipinahayag ni Abe Pagtama, chairman at founder ng LAPIFF na mayroong special screening ng short films na ginawa ang members ng FIlAm Creative’s Talent Network at ito’y magaganap sa opening night. Ayon kay Sweeney Mae – marketing director ng South Bay Pavilion, ang naturang mall ay ipinagmamalaking maging sponsor sa LAPIFF sa ikalawang taon nito.
Katatapos gawin ni Allen ang Bomba na ayon sa award winning director na si Ralston Jover, sa galing na ipinakita rito ni Allen, hindi siya magtataka kung humakot na naman ng award ang aktor.
Sa ngayon, tinatapos ni Allen ang pelikulang Persons of Interest na isang bulag na cook ang character niya. Mula sa pamamahala ni Direk Ralston, ito’y handog ng ATD Entertainment at tampok din sina Ms. Liza Lorena, Dimples Romana, Nella Marie Dizon, at iba pa.
Nakatakdang gawin ni Allen ang Right to Kill ng Cannes Best Director na si Brilliante Mendoza at ang Palawan ni Direk Auraeus Solito kasama sina Alessandra de Rossi, Sue Prado, at Ana Capri.
Justin Abejar,
gustong makakawala
bilang look-alike
ni Jed Madela!
MATAGAL nang nakilala si Justin Abejar sa telebisyion bilang ka-look-alike ni Jed Madela mula nang nagkaroon siya ng exposure sa It’s Showtime Ka-look-Alike Contest. Ayon sa kanya, dito nagkaroon ng push sa hilig niya sa pagkanta na nagsimula noong bata pa siya.
Inamin ni Justin na almost perfect ang pagiging look-alike niya sa WCOPA grand winner na paborito niya talagang mang-aawit.
“Mahirap talaga siyang gayahin lalo sa boses, pero nang napasali ako sa It’s Showtime, siyempre ibang usapan na ‘yun, kailangan ko talaga i-practice ‘yung boses ni Jed to the point na nag-hire ako ng voice coach para sa contest. Heto ang simula kung bakit madalas na akong nakikitang kumakanta sa iba’t ibang events.”
Katatapos ganapin ang kanyang Justin @30, A Birthday Concert sa Music Box, Timog na sobrang sinuportahan ng kanyang mga kaibigan, relatives, at ka-batch noon sa It’s Showtime Ka-Look-Alike. “Second time ko ito sa Music Box, ‘yung una ay Ultimate 80s Concert under ni Direk Vergel Sto. Do-mingo at siya rin ang nag-direk nitong birthday concert ko.”
Sa ngayon ay nagtutulu-ngan sila ni Direk Vergel para sa unang album ni Justin at habang naghihintay ay pakanta-kanta muna siya sa events na ginagamit ang kanyang tunay na pangalan.
“Malaki ang pagpapasalamat ko na naging kamukha ako ni Jed Madela at pati ang bo-ses ay nagagaya ko na rin, pero iba talaga ang kanyang boses. Salamat dahil siya ang naging instrumento para makapasok ako sa entertainment world at inaamin ko na marami pa akong kakaining bigas para maging katulad niya,” pahayag ni Justin.
Nasa Papua New Guinie si Jed noong birthday concert ni Justin kaya hindi siya naging guest dito, pero inamin ni Justin na isang major dream na maka-back-to-back ang una sa isang concert. Matatandaang si Jed ang kauna-unahan nating sumikat nang husto bilang Champion of World of Performing Arts (WCOPA) kaya isa na sa kanyang mga plano ang sumali sa nasabing international competition.
ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio