“I respect kung mayroon mang cosmetic surgery na ginawa sa kanila. Sa akin kasi, kung anuman ‘yung ginawa sa ‘yo, o kunwari nagpa-surgery sila, nirerespeto koi yon,” ito ang pahayag ni Sanya Lopez ukol sa mga artistang nagpaparetoke.
Dagdag nito, “As long as wala ka namang ibang tinatapakang tao, wala kang sinasaktan, maging masaya na lang tayo. “Maging happy na lang tayo kung saan sila masaya. Hindi ka naman nila sinaktan, hindi ka naman nila inapakan.
“Karapatan ng bawat tao na magdesisyon para sa kanyang sarili at kung gusto nitong sumailalim sa cosmetic enhancement o mas pagandahin pa ang kanyang hitsura at katawan, walang puwedeng mabawal o magdikta,” giit pa ng aktres.
Mga nagrebeldeng
trabahador ng Psalmstre,
‘di ipinatanggal
NANAIG ang puso at awa ng CEO/President ng Psalmstre Inc., makers ng New Placenta, Olive C, New Placenta for Men na si Jaime Acosta sa 10 trabahador na nagrebelde na humantong sa pagpapa-Tulfo sa kanya.
Inireklamo ng mga trabahador ang delayed na pagpapasahod at benepisyo na mariin namang pinabulaanan ni Acosta.
Aniya, advance ang pasahod niya sa mga trabahador at naibibigay din ang kani-kanilang benepisyo.Pinatunayan niya ito nang pumunta ng opisina/factory ng Psalmstre Inc. ang tauhan ni Tulfo at pinag-usapan ang nasabing problema.
Imbes na pagtatanggalin ni Mr. Acosta ang 10, muli niya itong tinanggap sa kompanya habang ang dalawa rito ay personal na nag- resign.
Ayon kay Mr. Acosta, “Hindi ko na sila tinanggal kasi nakakaawa naman na mawalan sila ng trabaho. Hindi naman ganoon kadali ang maghanap ng trabaho maliban na lang kung sila na mismo ang personal na magre-resign.”
MATABIL
ni John Fontanilla