Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Sikat na aktres, hilig ang mambato ng laptop kapag nagagalit

“‘Di ba, malas ‘yung nagbabasag o naninira ka ng gamit?” tanong ng aming katsikahan bago ilahad ang kuwento tungkol sa isang sikat na aktres.

Pagpapatuloy niya, ”Ang alam ko, ‘yung salamin na may basag, ‘yun ang dapat itapon kasi malas ‘yung gagamitin mo pa ‘yon, pero ibang klase ang aktres na ito!”

Ang sister, kapag nag-aaway pala sila ng kanyang mister, ang madalas pagdiskitahan ng aktres na ito’y ang kanyang laptop. “As in sa laptop niyang mamahalin niya ibinubunton ang imbiyerna niya kapag bad trip siya sa husband niya! Ang gagawin ng hitad, eh, ihahagis niya ‘yon. Natural, sira ang kaawa-awang laptop na pagkamahal-mahal pa mandin!”

Pero hindi problema sa aktres na ‘yon kung lasog-lasog man ang kanyang expensive gadget, ”Eh, ‘di tsugi na nga ‘yung inihagis niyang laptop? ‘Day, kinabukasan, buy siya ng bago! Pero kapag naiirita na naman siya sa dyowa niya, ‘yun naman ang ibabalibag niya ng bonggang-bongga! Maano ba namang magtawag na lang siya ng mga utaw na walang laptop para ‘pag inihagis niya ‘yon, eh, masasalo nila. Eh, ‘di napakinabangan pa, ‘di ba? Kung sabagay, ano ba naman ang pera sa aktres na ‘yon, eh, puwede nga niyang bilhin ang isang buong pabrika ng laptop, ‘no!”

Da who ang aktres na itey na mahilig mambato ng laptop? Itago na lang natin siya sa alyas na Sharmaine Urdaneta. 

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …