Wednesday , November 6 2024

Red Cross grand matriarch, Ms. Rosa Rosal nagsalita hinggil sa P200-M anomaly

ISA tayo sa mga nalulungkot sa nangyayaring kontrobersiya ngayon sa Philippine Red Cross (PRC) na kinasangkutan ng P200-milyong anomalya.

Ayon kay Red Cross matriarch, Ms. Rosa Rosal, sa loob ng kanilang 63 taon, ngayon lamang sila nasalang sa ganitong eskandalo at ngayon lamang nagkahati-hati ang mga opisyal.

Isa sa itinuturong dahilan nito, ang akusasyon ni dating chief accountant Jeric Sian laban kay Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang. Kabilang dito ang umano’y kuwestiyonableng transaksiyon na awtorisado ni SecGen na P1.8 milyong halaga ng baller IDs na may pangalan ni Chairman Richard “Dick” Gordon noong ilunsad ang kanyang presidential candidacy noong 2009 at 2010.

Ang WOW tarpaulins tampok ang partnership ng tourism at LGUs na may mga mukha muli ni Gordon. Paglipas ng apat na buwan matapos itong kuwestiyonin, sinibak si Sian. Nasampahan din ng asuntong libel matapos i-post sa social media ang kanyang mga akusasyon.

Dahil dito, umapela ang Red Cross Matriarch para sa isang full financial audit ng isang reputable multinational auditing firm na sinuportahan naman ng tatlong chapter na kinabibilangan ng Davao, North & South Cotabato.

Palagay natin ay dapat na ngang isalang sa full financial audit ang PRC, ‘yan ay upang malusaw ang ‘alapaad ng mga pagdududa’ hindi lamang sa mga opisyal na inaakusahan kundi para maipaliwanag sa madla kung ano ba talaga ang nangyayari sa loob ng organisasyon ng PRC.

May karapatan po ang publiko na maliwanagan ang mga isyung ’yan sa loob ng PRC dahil lahat ng mga estudyante, taon-taon ay binebentahan ng tiket ng Red Cross.

Ibig sabihin, sa bulsa ng maliliit na mamamayan nanggagaling ang pondo ng PRC na supposedly ay nagseserbisyo sa publiko hindi sa ‘luho’ ng ilang opisyal.

Anyway, umaasa tayo na magkakaroon ng kasagutan at kalinawan ang ‘alapaap ng pagdududa’ ng publiko hinggil sa P200-anomalya sa PRC.

Go and fight, Ms. Rosa Rosal!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *