MAY mga thoughtless talagang artista.Ito ang napagtanto ng isang malapit na showbiz friend patungkol sa isangkomedyante na pagkatapos niyang irekomenda para magbida sa isang pelikula ay hindi na nakaalala.
“Kung tutuusin, ako ang nag-recommend sa produ na siya ang kunin sa remake ng isang comedy film. Inilaban ko talaga ang talent fee niya. In fairness naman kasi, mahusy siya. Swak na swak siya sa karakter na bibigyang-buhay niya,” paunang kuwento ng aming kausap.
Pero hindi maiwasang hindi makaramdam ng tampo ang aming source,”Mula noong gawin niya ‘yung movie hanggang sa kausap mo ‘ko, ni hindi man lang siya tumatawag o nagte-text para mangumusta man lang. Huwag na ‘yung regaluhan niya ‘ko, ang akin lang naman, eh, makaalala siya.”
Hindi na bago ang kawalan ng pagtanaw ng komedyanteng ito. Noong kasagsagan ng kinasangkutan niyang eskandalo ay marami ang dumepensa sa kanya, ”Ni isa ba roon sa mga nagtanggol sa kanya at naniniwalang walang katotohanan ang ibinibintang sa kanya, eh, pinasalamatan man lang ba niya? Hay, naku!”
Da who ang komedyanteng ito na magaling lang kung may pakinabang siya sa mga tao? Itago na lang natin siya sa alyas na Bongbong Amparo.
(Ronnie Carrasco III)