Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, wala pa ring mapiga sa acting

KUNG tutuusin, long overdue na ang guesting ni Aljur Abrenica sa Gandang Gabi Vice about two Sundays ago.

Eh, kaya naman nag-guest ang aktor doon ay para ipagmakaingay ang kanyang bagong silang na karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano…hello, nakailang episode nang napapanood doon gabi-gabi ang ham actor, ‘no!

Duda namin, tila nahirapan ang production staff ng GGV na hanapan ng episode si Aljur. Bukod naman kasi sa pagiging tatay niya sa baby nila ni Kylie Padilla, ano pa bang interesting na topic ang puwedeng pag-usapan tungkol sa kanya? Waley na, ‘di ba?

FYI, kahit naman kasi noong nasa GMA pa si Aljur, sa mga pagkakataong naiinterbyu siya ng Startalk ay wala kang mapiga sa kanya.

Yes, wala na ngang mapiga sa acting niya, maging sa pagsagot, nganga rin! At least, consistent!

Ang ikina-off lang ng publiko kay Aljur was his statement on GGV na matagal na pala niyang gustong maging bahagi ng ABS-CBN.

It left a bad taste in the mouth dahil kung ganoon naman pala’t noon pa niya pangarap maging Kapamilya, sana’y sumali na lang siya sa Pinoy Big Brother.

And speaking of brother, siyempre, si Aljur ang big brother ni Vin na naunang lumipat sa ABS-CBN mula sa TV5. Magkaiba man sila ng kinabibilangang teleserye sa Dos, hindi na kailangan ng isang mahusay na acting coach para sabihin ang malaking kaibahan ng magkapatid.

Si Aljur, kahit hindi Pasko ay uso ang acting niya…ham!

KATRINA, MALAKI
ANG UTANG NA LOOB
KAY SABRINA M.

MAAARING sa paglabas ng kolum na ito’y tapos na ang Mrs. Philippines VOAA (Voice Of An Angel) na ang kinatawan natin sa kauna-unahang taon nito sa Fukuoka, Japan ay si Katrina Paula.

Suot ang korona with matching sash, bumisita si Kat sa programang Cristy Ferminute kamakailan. Bagamat nadagdagan ang kanyang timbang, sexy pa rin ang hitad sa kanyang puting pang-itaas na bustier na kita ang malulusog niyang dibdib na animo’y puwet ng batang nakatalikod.

Walang local pageant na idinaos muna rito bago nagkapilian to be the country’s representative. Malaking puntos ang mga charitable works ni Katrina para siya ang lumaban against 39 other married women from all over the world.

Dating Japayuki si Kat, malaking advantage ito dahil kuha na niya ang kiliti ng mga Hapon as an audience. Pero kaiba sa mga timpalak na alam natin, naka-evening gown lang ang mga kandidata roon pero may intro speech at Q & A portion.

‘Yun ang pag-iigihan ng hitad na kung papalaring makapag-uwi ng korona’y iniaalay niya ‘yon, ”Sa mama ko, sa kanya ko ipuputong ang korona.”

Sa mga hindi nakaaalam, isa sa mga anak ni Katrina ay lady pilot. Kumbaga, maayos niyang napalaki ang kanyang mga anak.

Samantala, aminado si Kat na gradweyt na siya sa showbiz, pero habambuhay niyang tatanawing malaking utang na loob ang tulong at suportang ipinagkaloob sa kanya ng dati ring sexy star pero nakakulong na si Sabrina M.

“Kung walang Sabrina M, walang Katrina Paula. Kaso, hindi ko siya nadadalaw sa preso kasi ‘di ba, baka isipin ng ibang tao na porke’t drugs ‘yung case niya, eh, involved din ako sa ganoon.”

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …