Saturday , November 16 2024

EJKs ‘bala’ sa 2019 polls (Ikakarga sa drug war) — Santiago

NAGBABALA si Dangerous Drugs Board (DDB) chairman Dionisio Santiago, tataas pa ang bilang ng extrajudicial killings hanggang sa 2019 midterm elections.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, binigyan-diin ni Santiago na ikakarga ng mga politiko sa drug war ng administrasyong Duterte ang mga pagpapatay sa mga katunggali o kakampi upang makalusot sa pananagutan.

Magagamit aniyang isyu ang EJKs na kagagawan ng mga politiko para banatan si Pangulong Rodrigo Duterte na inaasahang mag-eendoso ng kanyang mga manok sa 2019 elections. “Lalo itong coming election you watch for more killings. They will be politically motivated para ikakarga, because ang sarap banatan si Presidente e, EJK. I’m sorry but I have to explain it in this manner based on my personal experience. Totoo iyan, watch for more killings comes the election day. ‘Pag ka election victim ka, wala na halos kuwan iyan…wala nang solution iyan e. Charge to experience iyan,” ani Santiago.

Inihalimbawa ni Santiago ang Mandaluyong City sa aniya’y lugar na may nagaganap na EJKs na “politically motivated” ngunit ang mga patayan ay itinuturong bunsod ng drug war.

“Napaka-convenient excuse ngayon ang pagpatay. Ikarga mo sa drugs iyan e parang sabi nga, “Forget it.” Pero kung titingnan ninyo, if you have a closer analysis, I have one…Mandaluyong, balita ko riyan politically motivated e. Pero ang sarap ikarga sa kuwan…ang sarap ikarga sa anti-drug campaign, kasi iyon ang bumebenta, that sells e and magandang gawing issue ‘no,” paliwanag niya.

Ilang dekada nang nagpapalitan lang sa poder sa Mandaluyong City ang pamilya Abalos at Gonzales pero napapabalita na ang posibilidad na pagpasok sa politika ng siyudad ni dating Sen. Jinggoy Estrada na residente sa Wack-wack Subdivision.

Ikinuwento ni Santiago, isang retiradong military general, ang kanyang karanasan bilang intelligence operative noong dekada ’80 sa Bicol sa kasagsagan ng lakas ng puwersa ng New People’s Army (NPA) na 23,000 at biglang bumagsak sa 10,000 na hindi naman kagagawan ng militar, kundi ng pagpupurga sa hanay ng mge rebelde.

Ani Santiago, may nakuha umano siyang dokumento ang “Oplan Zombie” mula sa kampo ng mga NPA na nagsasaad nang pagpupurga sa hanay ng mga rebelde dahil sa pagdududa sa katapatan sa kilusan ng mga miyembro nito.

“If you have experience, may experience pati sa counter insurgency… iyong pagbagsak ng counter insurgency, I would like to claim credit a bit on this ‘no. Kasi noong umabot tayo ng 23,000 plus, pati kami sa Bicol ayaw na naming lumabas. Pero may nakuha akong document, iyong isa kong magaling na intelligence operative, nakita niya, hinawakan lang e, hindi ipinasa. Noong pagbasa ko, ‘pag-analyze ko, aba e magandang dokumento ito,” aniya.

“And I brought it to no less than the Chief of Intelligence there, General Filart, nilagyan ko lang ng note, “Sir, you may find use for this.” Alam ninyo kung anong laman noon? I-check ninyo — Operation Zombie. Doon very clear na makikita mo ang nagpapatayan, hindi military involved, sila-sila ang nagpapatayan. Because they—hindi na nila malaman kung iyong kasama nila kakampi o hindi. Nagkaroon ng purging, and from a higher of 23,000 plus bumagsak ang NPA na figure to 10,000,” kuwento ng dating heneral.

Itinanggi ni Santiago na mahihirap lang ang target ng drug war ng gobyerno ngunit ang mula sa marginalized sector talaga ang madaling maengganyo sa paggamit at pagbebenta ng shabu at kalimita’y gumagawa ng krimen para masustentohan ang bisyo.

Batay sa estadistika ng DDB, 3,811 ang napapatay, 1,380,078 drug users ang sumuko, at halos 3,000 kilong shabu ang nakompiska sa mahigit isang taon pagsusulong ng drug war ng gobyerno.

Bukod aniya sa rehabilitasyon sa drug addicts ay bibigyan sila ng livelihood para makapagbagong buhay.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *