Saturday , November 16 2024

LP nakasawsaw sa Marawi crisis?

WALANG katotohanan na ang Liberal Party ang nagpopondo sa mga terorista sa Marawi City, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

“Not true according to our own inquiry on our commanders in Marawi,” ani Lorenzana sa text message sa mga mamamahayag, hinggil sa pahayag ni Greco Belgica na nakatanggap siya ng intelligence reports na ang LP ang nagpopondo sa mga terorista sa Marawi City. Sa press conference kahapon sa Maynila, isiniwalat ni Belgica, bukod sa Marawi crisis, pinopondohan din umano ng LP ang destabilization plots, assassination plots laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa layunin daw na palitan siya ni Vice President Leni Robredo.

“They are involved in Marawi financing destabilization plots, assassination plots, para patalsikin dead or alive ang ating pangulo. Para ipalit si Leni Robredo. Takas sa kanilang criminal liability. Ayaw natin mangyari ‘yun. ‘Wag natin payagan dahil kawawa tayo,” ani Belgica.

Para kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, karaniwan lang na may banta sa buhay ng Pangulo ngunit kapag nagkaroon ng kongkretong batayan ay iimbestigahan ito ng mga awtoridad.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *