Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon, muling ibinando sa soc-media, may problema sila ni Kiko

PARANG halaw sa isang gasgas na eksena sa pelikula ang latest emote ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account.

Sa hindi malamang dahilan uli, aktibo na naman si Sharon sa soc-med, this after ‘yung mga serye niya ng litanya patungkol sa mga tagasuporta ni Sarah Geronimo preceded ng mga hinaing niya sa buhay.

Ang latest nga ay ‘yung,”Money can’t buy you happiness” na linya.

Tama naman ang megastar. Pleasure lang ang maaaring mabili ng pera, hindi ang kaligayahan.

Dahil dito, siya na rin ang nagsabing nakatagpo siya ng pansamantalang relief sa alak. Karaniwan nang ito ang takbuhan ng mga taong may dinadalang problema, nagpapakalunod sila sa nakalalasing na likido para makalimot pansamantala.

Pero kapag bumaba naman ang epekto ng alak ay balik sa rati ang kanilang pakiramdam. Muling kumakatok ang kalungkutan at depresyon.

Again, wala itong inilayo sa mga nakaraang posts ni Sharon. Hindi niya kasi tinutumbok kung saan siya nanggagaling (at saan din siya papunta). May kinalaman ba ang emote na ‘yon sa kanyang buhay may-asawa? O, tungkol ba ‘yon sa kanyang anak na si KC?

One thing’s for sure, walang kaugnayan ‘yon sa takbo ng career ni Sharon. She’s still on top of the game. Kung hindi career-related, eh, ano?

In effect, binubuksan mismo ni Sharon ang pintuan para mag-speculate ang publiko lalo’t in all probability ay mukhang may problema silang pinagdaraanan ni Senator Kiko Pangilinan.

Since too personal ang mga bagay na ito, hindi matatagpuan ang solusyon doon sa alak. Lalong hindi makikita ang gamot sa nararamdaman ni Sharon sa social media.

Pahabol. If money can’t buy her happiness, money can buy her wine if not acres of vineyard.

JAKE MATAPOS
ISUMPA NG LOLA,
KINAKAMPIHAN
NA NGAYON

KUNG dati’y kaaway ni Jake Zyrus ang kanyang Lola Tess nang finally ay mag-out na ng kanyang kasarian, ngayon ay kakampi na ng international singer ang kanyang grandmother dear na kaaway naman ngayon ng anak nitong si Raquel Pempengco.

Kung inalmahan ni Mommy Raquel ang life story ni Jake sa MMK (aniya, mula sa umpisa hanggang matapos ang kuwento ay puro kasinungalingan ang ibinigay na version ng anak), suportado naman ito ni Lola Tess.

Parang kailan lang ng halos isumpa ni Lola Tess ang apo dahil sa pag-amin nitong isa siyang tomboy. Katwiran pa ng masyonda, kahit ano pa ang gawing pagpapalalaki ni Jake ay siya pa rin si Charice na nireregla pa rin.

Pero lipas na nga ang episode na ‘yon, Lola Tess has turned into Jake’s ally na inayudahan pa ang pagsasadula ng buhay ng apo. Totoo naman daw kasi ang pagkakalahad ng kuwento sa MMK, samantalang ang nagsisinungaling ay si Mommy Raquel.

Na-imagine na namin ang dilemma na kinapalooban ni Jake. Sa panahong pilit siyang bumabangong muli, ito naman ang kanyang mga mismong kaanak na nagtatalo-talo at tila kulang sa suportang dapat sana’y ipinagkakaloob sa kanya.

Hindi na kami magtataka na kung sakaling magkaayos naman sina Lola Tess at Mommy Raquel, lalabas na si Jake ang magiging common enemy nila. So, in the event na mangyayari ‘yon, who can Jake turn to?

Mabuti na lang at nakatagpo na ng bagong partner si Jake. Pero huwag tayong pakatiyak. In time, maging ang babaeng ‘yon ang magiging mitsa ng inaasahang pag-aaway-away nina Lola Tess at Mommy Raquel.

Sana’y hintayin muna ng dalawang masyondang ito na makabuwelo si Jake para bigyang muli ng sigla ang kanyang singing career.

Sa ginagawa kasi ng mga ito—na sa halip na manahimik na lang muna—ay dinadaot nila ang karera ni Jake! Na ang ending, sila-sila rin naman ang unang-unang makikinabang sa grasya niyong tao!

 

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …