Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fil-Am millionaire financier ng poll chair (Sa damage control)

BINUBUHUSAN ng pondo ng isang milyonaryang Fil-Am ang damage control propaganda ni Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista.

Nabatid sa source, inilalako na parang bibingka si Bautista sa mga editor sa iba’t ibang pahayagan, estasyon ng radio at telebisyon upang isalang sa “exclusive interview” at ipaliwanag ang kanyang panig laban sa mga alegasyon ng kanyang esposang si Tisha na nagkamal siya ng may isang bilyong pisong kuwestiyonableng yaman.

Sinabi ng source, ang Fil-Am millionaire ay pamoso at laging nasasangkot sa kontrobersiya dahil sa pakikialam sa politika sa Filipinas.

Malapit din aniya ang milyonarya sa mga ‘dilawan’ sa bansa at may hawak na malaking organisasyon ng mga Fil-Am sa Amerika. Ginagamit umanong “media operator” ng milyonarya ang kanyang kapatid na “pastor.”

Matatandaan, kamakailan ay umuwi sa bansa ang kapatid ng Comelec chairman na si Martin at sa panayam ay ipinagmalaki ang mala-mansion niyang bahay sa Oklahoma na umano’y mula sa investments nilang magkapatid.

Kung sino pa man ang minahal mo ng husto ang siyang sumaksak sa iyo, easy ka lang, parating na si Koyang.

A post shared by Martin D Bautista (@martin.d.bautista) on


May offshore account din aniya silang magkapatid at may 18 accounts sa Luzon Development Bank.

Ayon sa source, lalong nabaon ang Comelec chair sa mga naging pahayag ni Martin kaya natutuliro ang Fil-Am millionaire at baka makarating sa kanya ang ‘sunog’ na dulot ng expose’ ni Tisha. Batay sa ulat, isa ang Fil-Am millionaire sa malaking financier ng kandidatura ni Vice President Leni Robredo noong 2016 elections.


(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …