Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Young actress, tumatakas sa fadir madalaw lang si madir

HINDI pagsuway sa ipinag-uutos ng ama ang katwiran ng isang young actress kung bakit dinadalaw niya ang kanyang inang mayroong ibang kinakasama sa buhay.

Mula kasi nang maghiwalay ang kanyang mga magulang (sumama ang madir niya sa dance instructor nito), kabilin-bilinan ng kanyang ama na huwag na huwag nang makikipag-ugnayan sa mudrabels.

“Puwede ba naman ‘yon? Kahit bali-baligtarin natin ang mundo, nanay pa rin ‘yon ng aktres. Kung noon, eh, sunod-sunuran siya sa fadiraka niya, ngayong may isip na siya at nasa wastong edad, keber kung maimbiyerna ang pudra niya!” sey ng aming source. One time ay malapit lang sa set ng ginagawa niyang teleserye ang bahay na tinitirhan ng ina sa isang exclusive subdivision.”Ang ginawa ng young actress, noong breaktime, hindi talaga siya kumain sa set. Nagpaalam siya sandali sa production staff para dalawin ang madiraka niya!” dagdag pa ng aming kausap.

Napag-alaman namin na may dahilan naman pala kung bakit hiniwalayan ng mudra ng aktres ang asawa nito, ”Eh, sino naman kasi ang makatitiis sa sobrang kakuriputan niyong fadir? At hindi lang ‘yan, nananakit pala itey! Kaya hayun, babu ang madir at kinasama ang nagtuturo sa kanya ng sayaw!”

Da who ang young actress na hindi nawala ang pagtangi sa kanyang madir kesehodang havey na itey ng bagong boylet? Itago na lang natin siya sa alyas na Inah Magdalena.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …