Tuesday , August 12 2025

Hustisya

INIHATID sa huling hantungan ang 17-anyos at grade 11 student na si Kian delos Santos noong Sabado, Agosto 26, sa La Loma Cemetery.

Inilibing si Delos Santos, mahigit isang linggo makalipas ang malupit na police operation na natapos ang kanyang buhay sa kamay ng mga pulis na hanggang ngayon ay iginigiit na sangkot siya sa ilegal na droga.

Pero nanatiling matatag ang kanyang magulang na sina Saldy at Lorenza sa pagpapahayag na ang kanilang anak ay hindi drug courier na tulad ng sinasabi ng mga pulis. Tahasan din nilang itinanggi ang sinasabi ng mga awtoridad na si Saldy at ang kanyang kapatid ay konektado sa droga.

Daan-daang mga tao, kabilang ang mga kaanak, kaibigan, kapitbahay at tagasuporta ang sumama sa martsa at iba’t ibang grupo ang naghintay sa lansangan sa pagdaan ng motorcade na naghatid kay Delos Reyes sa libingan. Iisa ang kanilang panawagan: Hustisya para kay Kian at matuldukan ang mga pamamaslang na nagaganap sa digmaan ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Si Delos Santos ay pinagbabaril sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa Caloocan City dahil nanlaban umano sa mga humuhuli sa kanya. Pero hindi ba ito ang laging lumalabas sa mga kuwento ng mga pulis kapag may hinuhuli at napapaslang sila?

Taliwas ito sa sinasabi ng mga testigo, sa kuha ng CCTV at sa mismong awtopsiya na lumabas na si Kian ay hindi lumaban at nasa lupa nang barilin sa likuran, sa likod ng tainga at loob ng tainga kaya nasawi.

Ang dalawa sa tatlong pulis na sangkot sa pamamaril kay Delos Santos ay umamin sa imbestigasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na ang nasawing estudyante nga ang kanilang kinakaladkad patungo sa isang eskinita. Maaalalang sumabog ang galit ng publiko nang makita sa social media ang CCTV footage na nagpapakitang kinaladkad ng mga pulis si Delos Santos.

Sa pagdinig ng Senado ay inamin ng mga pulis na nalaman lang nila na sangkot si Delos Santos sa droga batay sa pahayag ng isang pusher ng droga at sa pamamagitan ng social media nang matapos ang kanilang operasyon.

Ano na ang nangyari sa pagmamanman na dapat nilang ginagawa muna para matiyak kung sangkot ang kanilang target sa droga?

Umaayon ang Firing Line sa kampanya ng administrasyon upang mawakasan ang ilegal na droga. Pero ang panawagan lang natin ay sumunod sana sa batas ang mga pulis at hindi ito ma-ging daan para sa walang kapararakang mga pa-mamaslang at pang-aabuso na kung sino-sino ang nadadamay.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

MMDA Bayanihan Estero Program, suportado ni PBBM

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAHA… baha… baha… nakita naman natin na kahit saang sulok ng …

Firing Line Robert Roque

Tiktok ang bahala

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Migrant Workers (DMW) sa TikTok …

Sipat Mat Vicencio

Hoy Bato, hindi mo ka-level si Digong!

SIPATni Mat Vicencio KAHIT saan anggulo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, hindi maaaring ikompara …

Firing Line Robert Roque

Katawa-tawang boksing nitong Linggo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAHIL mistulang naging kalokohan lang ang boxing match nitong …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *