Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Sikat na aktres, never magiging legal wife

TIGAS pala sa pagtanggi ang isang non-showbiz wife na ipawalang-bisa ang kasal nila ng isang negosyante, at bakit?

Tulad ng alam ng marami, ilang taon na ring nagsasama (minus the church blessing) ang negosyante at ang isang sikat na aktres.

Gayunman, kahit pa paulit-ulit nang nakikiusap ang businessman na palayain na siya’t maging legal ang pagsasama nila ng aktres ay bigo siya.

Tsika ng aming source, “Hanggang sa kamatayan, eh, hinding-hindi makikipag-cooperate ang legal wife ng businessman para pakasalan na niya ang live-in partner niyang aktres. Eh, alam naman kasi ng legal wife na kapag nakipag-cooperate siya sa annulment, eh, kanino pa nga ba mapupunta ang lahat ng mga pinaghirapan ng negosyante kundi sa kinakasama niya? Sinong nawalan at sinong nagbuhay-reyna ng walang kahirap-hirap? Ano siya (aktres), sinusuwerte? Hoooy, mag-ilusyon na lang siyang legal wife habambuhay, pero hindi ‘yon mangyayari in real life!”

Da who ang aktres na never magiging legal wife ng negosyante hitsurang dumaan pa siya sa ibabaw ng bangkay ng totoong dyowa pa rin ng common boylet nila?

Itago na lang natin ang hitad sa alyas na Chan-Chan Loreto.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …