Saturday , November 16 2024

Pinoys bilib pa rin kay Duterte (Kahit gamitin si Kian vs drug war)

KOMPIYANSA ang Palasyo, bilib pa rin ang mga mamamayan kay Pangulong Rodrigo Duterte kahit gamitin laban sa kanya ng mga kritiko ang pagkamatay ng 17-anyos sa anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Caloocan City.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kahapon, inaasahan na ng Malacañang ang pagsawsaw ng oposisyon sa isyu ng pagkakapatay kay Kian delos Santos, ang 17-anyos umano’y drug courier sa Caloocan City, ng mga pulis sa One Time, Big Time anti-illegal drugs operation, para siraan si Pangulong Duterte.

“Inaasahan ko na sa kanila iyon. They will jump at any issue to demolish this presidency. Natural na sa kanila iyon. Mukhang hindi na sila titigil, parati na silang ganoon. But they – we have, but people don’t believe that naman e,” ani Panelo.

Magiging sakit ng ulo aniya ng oposisyon ang kabiguan na mahakot ang simpatya ng publiko dahil mas pinaniniwalaan pa rin si Pangulong Duterte kaysa kanila.

“E, iyan ang magiging problema nila. Ang tao ay galit sa kanila, hindi naniniwala sa kanila, sa Presidente naniniwala e,” giit ni Panelo.

Binigyan-diin ni Panelo na hindi kokonsintihin ng Pangulo ang sino mang pulis na aabuso sa kanyang drug war kaya’t dapat imbestigahan ang pagkamatay ni Kian.

“Sabi niya (Duterte), he declared war , sabi niya ay susuportahan niya iyong mga pulis but napakaklaro ng sinabi niya na… ‘But those who will abuse their authority will have to be held to pay, they will not go unpunished,” sabi ni Panelo.

Nagpahayag kamakalawa sina Vice President Leni Robredo, senators Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV ng interes na paimbestigahan ang pagpatay kay Kian at iba pang kaso ng anila’y extrajudicial killings na naganap sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte.

Sina Robredo, Hontiveros at Trillanes ay pawang mga kaalyado ng administrasyong Aquino.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *