Friday , November 15 2024

Bloggers

KAMAKAILAN ay binigyan ng Social Media Practitioner Accreditation ng Malacañang ang mga social media bloggers para opisyal na makapag-cover ng mga malalaking kaganapan sa palasyo, lalo na ‘yung may kaugnayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Walang problema ang Usaping Bayan sa ginagawang pagpapahayag ng mga bloggers sa kanilang mga saloobin o paniniwala kahit ito ay hindi katanggap-tanggap basta inililinaw sa mga manonood, tagapakinig o mambabasa na sila ay bloggers at hindi propesyonal na mamamahayag.

Ang katatayuan ng mga mamamahayag bilang bahagi ng Fourth Estate o Press ay malinaw at protektado ng batas (Article III, Section 4 ng 1987 Constitution). Ang mga social bloggers ay may sariling kategorya at hindi miyembro ng Fourth Estate, kaya hindi sila maaaring ihanay sa mga propesyonal na mamamahayag katulad ng gustong mangyari ng kasalukuyang administrasyon.

Kung tutuusin, may palagay ang Usaping Bayan na maaaring ituring na abridgment of the freedom of the press ang ginagawang pagbibigay ng accreditation ng Malacañang sa mga blogger. Siguro dapat pag-usapan sa korte ito para tayo makatiyak kung wasto o hindi ang aksiyon ng palasyo.

Malaki ang pagkakaiba ng propesyonal na mamamahayag sa isang blogger.

Una, ang mga istorya ng mga mamamahayag ay dumaraan sa mga editor upang masuri at mapino ang detalye. ‘Ika nga may vetting process para sigurado na accurate o tama ang ibabalita. Walang ganitong proseso ang mga blogger.

Pangalawa, ang istorya ng mga mamamahayag ay hindi kanila dahil nga dumaraan sa vetting process at isinulat sa punto de vista ng pagbabalita. Samantala para sa mga bloggers, kanila ang kanilang blog kaya hindi maaring pakialaman ng sino man bukod pa sa ipinoste nila ito sa internet mula sa punto de vista ng pagkokomento at ayon lamang sa kanilang pansariling kaalaman.

Pangatlo, dumaraan sa mahabang pagsasanay ang mga mamamahayag kung paano maging accurate sa pagbabalita at tumpak na mag-cover ng isang beat o kaganapan. Mahalaga ang accuracy sa mga mamamahayag kaya karamihan sa amin ay pinapanday muna sa police beat nang matagal na panahon bago pakawalan sa iba pang national beats. Walang ganitong training, lalo na ‘yung tungkol sa kahalagahan ng accuracy at decorum sa coverage, ang mga blogger.

Pang-apat, hindi sapat ang talento sa pagsusulat upang maging isang mamamahayag. Kailangan ang mahabang pagsasanay para makalikom ng karanasan at kakayahan na kumilatis ng peke (koryente) o totoong balita.

Panglima, hayaan ninyo ang Usaping Bayan na ibahagi ang isang akda na lumabas sa Beyond Deadlines bilang pang wakas:

“The talent to write and a journalism degree do not make one a journalist. It is the experience of news gathering, production and source development gained through the years in the beats and, in some rare cases, by the recognition given by fellow news writers, that makes one a journalist. Professional experience is what fundamentally differentiate a journalist from a blogger.”

***

Nagkaroon ng kasunduan ang pamahalaang Filipino at Intsik tungkol sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang mga segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *