Saturday , November 16 2024

Narco-judges isusunod na — Digong (32 itinumba sa Bulacan ikinatuwa)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na isusunod na sa drug war ng kanyang administrasyon ang “narco-judges” o ang mga hukom na sangkot sa illegal drugs.

“Dito may judges, inihuli ko sa listahan para huli silang patayin,” ani Duterte habang hawak ang updated narco list at itinuturo ang mga pangalan ng mga husgadong pasok sa illegal drugs.

Grabe aniya ang “injustice” na nagaganap sa bansa dahil sa mga tiwaling hukom na pinapatagal ang paglilitis sa hawak na kaso nang hanggang 20 taon.

Inamin ng Pangulo na hindi niya kayang ganap na lipulin ang illegal drugs sa bansa gaya ng kanyang campaign promise, at maging ang Amerika na malaking bansa aniya ay hindi rin kinayang tuldukan ang problema sa illegal drugs.

Muling iniugnay ng Pangulo ang pagpapaliban ng barangay elections na nakatakda sa Oktubre, sa illegal drugs dahil tiyak na popondohan ng narco politicians ang mga manok nilang nais iluklok sa barangay para maging palaruan ng kanilang ilegal na negosyo.

Binanggit din ng Pangulo na ang narco-politicians na pamilya Espinosa sa Albuera, Leyte, at Parojinog sa Osamiz City, ay ginamit ang drug money upang mangunyapit sa kapangyarihan sa napakahabang panahon.

Sa mga nasabing lugar aniya ay ipinatutumba ang mga kalaban ng mga Espinosa at Parojinog at maging mga pulis na tumangging sumunod sa kanila.

Nakatakdang bumisita ngayon sa Osamiz City si Pangulong Duterte upang personal na bantaan ang mga pulis na nagpagamit sa mga Parojinog.

ni ROSE NOVENARIO

32 ITINUMBA
SA BULACAN
IKINATUWA
NI DUTERTE

IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpatay ng mga pulis sa 32 kataong sangkot sa illegal drugs sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang bayan sa Bulacan.

“‘Yung namatay daw kanina sa Bulacan, 32, in a massive raid. Maganda ‘yun. Makapatay lang tayo ng mga another 32 everyday then maybe we can reduce the — what ails this country,” anang Pangulo hinggil sa ulat na 32 drug suspects ang napaslang ng mga pulis sa anti-drugs operations sa Bulacan mula Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga.

“Ayaw lang kasi maniwala ng mga tao. Well, hindi ‘yun ano… ‘Yung the… Well, of course, we are all bleeding hearts here because most of you are really victims of crime and criminality and extreme negligence,” wika ng Pangulo sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kahapon sa Palasyo.

Inaasahan ni Pangulong Duterte na aani siya muli ng batikos sa human rights advocates sa madugong anti-drug operations sa Bulacan.

Binigyan-diin ng Pangulo, ang direktiba niya sa militar ay wasakin ang drug apparatus kaya pasensiya na lang ang mapapatay sa anti-drug operations.

“Ang order ko sa military at pulis, destroy the apparatus, ‘pag namatay ka, pasensiya ka, pumasok ka diyan,” dagdag niya.

Ngayon lang aniya nagtatrabaho nang tama ang mga pulis sa panahon ng kanyang administrasyon dahil suportado niya hindi gaya ng mga nakaraang pamahalaan na pinababayaan ang mga awtoridad.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *