Saturday , July 26 2025

Ugat ng problema

NAPAKAINIT na isyu ang kargamento ng ilegal na droga mula China na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC) bunga umano ng katiwalian ng ilang opisyal.

Ito ang pinakamalaking shipment ng shabu na nakapasok sa bansa kaya nararapat masibak ang mga sangkot na opisyal.

Pero ayon sa liham ni Zhang Xiaohui, pinuno ng International Enforcement Cooperation Division-Anti-Smuggling Bureau (ASB) ng Customs ng China, batay sa kanilang intelligence ay walang Filipino na sangkot sa pagpupuslit ng droga sa ating bansa nitong nagdaang Mayo.

Bukod dito ay nag-iisa umano ang shipment ng droga na ipinadala sa Filipinas at walang iba silang natunugan.

Ang liham ay kanilang ipinadala kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon na namomroblema at ilang ulit hindi nakadadalo sa pagdinig ng Kongreso dahil daw sa masamang kalusugan.

Pinuri pa ng ASB ang BoC dahil sa matagumpay na kompiskasyon sa 605 kilo ng shabu batay sa impormasyon na nagmula sa China.

Pero wala sanang magiging problema kung hindi nakalabas ang droga sa China. Sa kanila nag-ugat ang problema at kung hindi sila naging pabaya hindi ito makararating sa Filipinas.

***

Nilinis ng pinuno ng ASB ang pagkakaugnay ng mga Filipino sa pagpasok ng droga sa Filipinas.

Pero nakaligtaan yata niya ang katotohanan na hindi makalalabas ng BoC ang napakalaking kargamento ng shabu kung hindi pinalusot ng corrupt na mga opisyal.

Kumanta na sa pagdinig ng Kongreso si Mark Ruben Taguba II, broker ng naturang kargamento ng shabu, at pinangalanan ang ilang opisyal ng Customs na regular umano niyang sinusuhulan para palusutin ang mga kontrabando.

Kung paulit-ulit siyang nakapagpupuslit pa-labas ng BoC ng mga kontrabando ay maliwanag na may korupsiyon pa rin na nagaganap. Ala-ngan naman isipin na ang nilalagyan ni Taguba rito ay mga tagapagwalis lang sa Customs.

***

Ang droga ay nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng BoC at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse sa Paseo de Blas, Valenzuela City.

Ang grupong dapat nauna sa pagpasok sa warehouse ay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), pero tinawagan ang ahensiya ilang oras makalipas ang raid.

Bukod dito, 100 kilong shabu ang ipina-safekeeping sa PDEA samantala ang 505 kilo ay ipinatabi sa NBI.

Kinuwestiyon ito sa Senado at kinondena ang isang opisyal ng Customs. Batay sa batas ay dapat mapunta sa PDEA ang lahat ng droga na nakompiska sa raid at hindi sa ibang ahensiya. May nagtatanong tuloy kung ano raw kaya ang balak ng Customs sa droga?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRNG LINE – Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *