MARIING kinondena ng Palasyo ang desperadong hakbang ng teroristang Maute Group na gamitin ang kanilang mga bihag bilang suicide bombers kapag nakorner ng mga tropa ng pamahalaan sa kanilang kuta sa Marawi City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakatanggap ng ulat ang Malacañang mula sa mga nakatakas na hostage na binabalak ng mga terorista na gawing suicide bombers ang kanilang mga bihag upang makalikha ng marahas na reaksiyon sa publiko, magbanggaan ang mga grupong etniko na papabor sa layunin ng kanilang pangkat.
“We have been receiving accounts from hostages who were able to escape from the Maute rebels in Marawi that the enemies would be using — that the enemy would be using hostages as suicide bombers once they were cornered by government troops,” aniya.
“We strongly denounce these desperate actions which apparently are carefully calculated to create violent reaction from the general populace in order to create tension between ethnic groups, which the terrorist groups expect to work in favor of their cause,” dagdag ni Abella.
Tiniyak ng Palasyo sa mga mamamayan na patuloy na susundin ng tropa ng gobyerno ang “rules of engagement” para masiguro ang kaligtasan ng mga bihag, lalo ang mga kababaihan at mga bata sa kampanyang linisin ang Marawi sa mga armadong elemento.
“No less than the Commander-in-Chief has given this primordial consideration and guidance to our troops,” sabi ni Abella.
ni ROSE NOVENARIO