Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suzette Doctolero, na-bash sa pagbatikos sa Nabubulok

DAHIL sa kanyang buong kaprangkahang post sa social media about how “trashy” ng pelikulang Nabubulok, umaani ng maraming batikos si Suzette Doctolero.

Kesyo may mas karapat-dapat daw na pelikulang kalahok sa Cinemalaya ay kung bakit ito nakasama. As the very title suggests, nabubulok din ang pagkakagawa nito.

Si Suzette na rin mismo ang nag-imbita ng kanyang mga basher, ipinunto ng mga ito ang ginagawa naman nitong pangongopya sa mga kuwentong isinusulat niya para sa GMA.

Kung tutuusin, malaya naman si Suzette to give her two cents’ worth. Eh, kung pangit naman according to her standards(?) ang Nabubulok, she must be stating a fact.

Nakalimutan lang ni Suzette ang “backfire effect” nito sa kanya, hayun, even her body of work ay nakukuwestiyon.

Hindi kailangan ni Suzette na maging isang film critic para manuri ng pelikula. Playwright nga siya, pero gaano na ba kalawak ang kanyang kaalaman sa mga material sa wide screen?

Mayroon na ba siyang naisulat na naisapelikula? Or hindi siya nangahas mag-venture into film scriptwriting dahil kapos pa siya?

Mauunawaan siguro ng mga netizen kung isang established film worker si Suzette. Kaso, kung sa telebisyon nga’y nilalait ang kanyang mga likhang kuwento, sa pelikula pa kaya?

Magpakaangas sana si Suzette if she has a name to boot in film.

Pero sa ngayon, she remains to be an obscure name!

HOT, AW – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …