NANAWAGAN ang Palasyo na maging mahinahon sa harap ng bantang pag-atake ng North Korea.
“The Philippines reiterates its call for continued exercise of self-restraint in order to de-escalate the tension and to refrain from actions that may aggravate the situation on the Korean Peninsula,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Tinututukan aniya ng Philippine Embassy sa Seoul at ang Consulate General sa Agana ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa Filipino communities sa Republic of Korea at Guam upang matiyak ang kahandaan sa ano mang magigiging kaganapan.
“The Philippine Embassy in Seoul and the Consulate General in Agana have been monitoring the situation closely and have been working closely with the Filipino communities in the Republic of Korea and Guam, respectively, to ensure preparedness for any eventuality,” dagdag ni Abella.
May 65,000 Filipino sa South Korea, habang 42,835 sa Guam.
Matatandaan, nagbanta ang North Korea na aatakehin ang Guam nang ihayag ni US President Donald Trump na tatapatan ng “fire and fury” ng Amerika ang patuloy na pagbabanta ng NoKor.
(ROSE NOVENARIO)