“Don’t burn bridges,” ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Andre Torres on her leaving Triple A talent management.
From Triple A management, Andrea’s now with the GMA Artist Center.
According to Andrea, it was a well thought of decision.
Lahat naman daw ng moves niya ay kanyang pinag-iisipan.
Maliit na mundo lang daw ang show business kaya ang natutuhan niya ay never burn bridges.
Andrea was interviewed at the press conference of the GMA series Alyas Robin Hood last August 9.
After that, she refused to elaborate further.
Pero marami ang nag-iisip na si Marian Rivera raw ang dahilan nang paglipat niya ng talent management.
O, ‘di ba? Hahahahahahahahaha!
Pero wala raw nagbago sa part nila ni Mr. Tony Tuviera at Rams David.
As a matter of fact, nagkita raw sila the other day at nagkakuwentohan daw sila nina Tatat Tuviera at Ateng Rams.
Hindi pa rin talaga matapos-tapos ang intrigahan sa pagitan nina Marian Rivera at Andrea.
At marami ang naniniwalang dahil raw sa animosity between the two ladies kaya nagpalit ng talent management si Andrea.
Oblique ang mga kasagutan ni Andrea at hindi mini-meet head on ang issue.
“Kasi siyempre, happy na ako sa fact na may respetohan kami nina Ateng (Rams), Tatay Tuviera, lahat ng part ng Triple A.
“Ayaw ko na po talaga ang detalye kung bakit, respect ko na lang sa kanila.
“Siyempre na-explain ko naman lahat sa kanila, ‘yun naman ang importante, nagkaintindihan naman kami.”
Basta naramdaman naman daw niya ang suporta ng Triple A management.
“Bukod kasi sa manager ko sila, parang na-ging family ko na rin naman,” she asseverated. “Marami na po silang alam tungkol sa akin, sa family ko.
“Na-feel ko naman ang pagmamahal na ‘yon, kasi kapag nagkikita kami, may hug pa rin, small talk.
“Feeling ko, it will never go away, gano’n pa rin.”
Happy raw siya dahil walang nasirang relasyon sa pagitan nila ng Triple A.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.