Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolit, may daily allowance daw kay Kris

CONTINUATION ito ng nauna naming column item tungkol sa aming pagkikita ni Lolit Solis sa ikalawa’t huling araw ng lamay ni (Kuya) Alfie Lorenzo.

Bungad namin sa feisty manager, ”O, ‘Nay, parang pumayat ka?” Aniya, mas tumaas daw kasi ang kanyang sugar, bagay na dumagdag din sa insulin shots na tine-take niya for her diabetes. Lampas borderline nga ang kanyang sugar.

“Ang weird lang kasi wala akong nararamdaman. Sana man lang kung nahihilo ako, mas okey nga ‘yon, eh. Parang noong nangyari sa akin, bigla na lang akong nag-collapse kasi nga nahihilo ako. Hayun, naisugod agad ako sa ospital!”

Gayunman, hindi ‘yon dahilan para sumailalim siya sa strict diet regimen, ”’Day, kilala mo ‘ko, matakaw ako. Kaya pagdating na pagdating ko rito (Arlington), eh, tsinek ko na ang mga catered food hitsurang inalam ko talaga kung anong pagkain mamayang hatinggabi! Ha! Ha! Ha!”

Sa mga nakakakilala kay ‘Nay Lolit, famous siya sa pagdadala ng mga kung ano-anong abubot na hindi niya isinisilid sa bag. Nakabalumbon lang o nakasobre ang tangan-tangan niyang pera kung kaya’t biniro namin siya.

“’Nay, bahaginan mo naman ako ng daily allowance na ibinibigay sa ‘yo ni Kris Aquino,” paglalambing namin kunwari.

Nang huli kasi silang magkita ni Kris (Aquino) ay nangako itong bibigyan siya ng allowance araw-araw. ”Nakooo, wala pa siyang iniaabot sa akin, ‘no! ‘Yaan mo, kukulitin ko ang p…tah kaso, mukhang kahit pikunin ko si Kris, eh, hindi na siya ‘yung tipong magpapaapekto sa pambu-bully ko sa kanya!” sabay bawi niya.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …