Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, hitsura nga lang ba ang puhunan sa paglipat sa Dos?

TIYAK na sa paglabas ng kolum na ito’y napapanood na ang bagong dagdag na tauhan sa FPJ’s Ang Probinyano sa ABS-CBN.

Ang tinutukoy namin ay walang iba kundi si Aljur Abrenica na hunk kung hunk ang exposure sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Aljur came next to Louise de los Reyes na gumaganap bilang isa sa mga SAF na binihag, nagtangkang tumakas pero nahuli rin. Galing din si Louise sa GMA, ang estasyong pinanggalingan ni Aljur.

Matatandaang matagal nang plano ni Aljur na kumabilang-bakod. And if we’re right in our judgment, ilang bossing sa ABS-CBN ang nangakong sasaluhin siya mula sa GMA.

The problem was though ay kontratado pa si Aljur sa Kapuso Network, and he thought best na ang tanging paraan para makahulagpos siya sa huli was to take appropriate legal action for his release.

Ang ending: umabot sa korte ang isyu with Atty. Ferdie Topacio as Aljur’s legal counsel. Pero hindi nagtagal ay si Aljur na rin ang nag-withdraw sa kasong inihain niya.

Having found a new home, isang malaking good luck ang nais naming ipaabot kay Aljur. As we all know, sandamakmak ang mga male artist—homegrown or otherwise—sa ABS-CBN, and he’s just one of those considering na bagong salta pa siya roon.

At tulad ng alam ng lahat, sa tanggapin man o hindi ni Aljur ang nagdudumilat na katotohanan ay hitsura lang niya ang kanyang puhunan. Acting talent-wise, mas pasok sa banga si Aljur kung kinuha pa siyang endorser ng mga processed meat products most specially ham!

Sana nga’y nakatulong kay Aljur ang mga acting workshop bago siya isinabak sa teleserye ni Coco, or else ay baka sabihin ng mga manonood na may naligaw na non-actor sa isang palabas na kinabibilangan ng mga naggagalingang bituin ng ABS-CBN.

Again, a big good luck!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …